Kathryn at Nadine
Kathryn at Nadine inisnab ng Luna Awards!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - November 14, 2019 - 12:00am

Matapos mangolekta ng award

Naku, parehong iritable ang ibang mga fan nina Kathryn Bernando at Nadine Lustre dahil inisnab ang dalawa ng 37th Luna Awards, huh!

Hindi nga nominated bilang best actress si Kathryn para sa The Hows Of Us at dedma rin ang akting ni Nadine sa Never Not Love You.

Ang mga nominated sa best actress category sa nasabing awards giving body ay sina Angelica Panganiban (Exes Baggage), Glaiza de Castro (Liway), AiAi de las Alas (School Service), Anne Curtis (Sid & Aya), at Agot Isidro (Changing Partners).

So, hindi na pag-aawayan ng mga fan ng dalawang aktres kung sino ang mas magaling sa kanila dahil para sa mga taga-Luna Awards ay mas may mga karapat-dapat na ma-nominate kesa kina Kathryn at Nadine, huh!

‘Yun na!

Ogie, Regine at Jaya may reunion

Kagabi lang pala nakaalis ng bansa si Ogie Alcasid pa-Rome, Italy para sa ASAP Natin ‘To.

May work pa raw kasi siya kahapon. So today ang dating niya roon (bale seven hours behind sa atin ang Rome). Tamang-tama lang sa ilang shoots na gagawin nila roon para sa two episodes na ipapalabas din nila sa ABS-CBN on November 24 and December 1.

Pagbalik ni Ogie ay aasikasuhin naman niya ang Ogie and The Hurados 2 na mapapanood sa December 1 sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila kung saan ang mga guest niya sina Regine Velasquez-Alcasid, Jaya, Jolina Magdangal, Mitoy Onting at Erik Santos.

Ang naunang tatlo ay nakasama ni Ogie noon sa SOP ng GMA-7.

So parang reunion na rin nilang mga taga-SOP ang Ogie and The Hurados 2 concert.

Nice!

Maine at Sen. Bong ipantatapat sa Starla?!

Sa tingin mo, Ateng Salve, kung sakaling matuloy na ang special appearance ni Senator Bong Revilla sa The Gift series ni Alden Richard sa GMA-7 ay mag-rate na sila ng mas mataas sa Starla ni Judy Ann Santos?

Compared kasi sa series ni Alden ay ang bongga ng ratings ng Starla ni Juday, huh!

Anyway, dahil naba-bash si Sen. Bong dahil sa nalalapit na pag-appear niya sa The Gift, mukhang ang viewers ay magkaka-interes na panoorin ‘yon.

And if ever nga na mag-click sila sa ganoon, after Sen. Bong, sino pa kayang ibang big stars ang magge-guest sa series ni Alden?

Hindi kaya si Maine Mendoza naman ang pakiusapang mag-guest doon?

Ay, matutuwa ang ibang natitirang AlDub fans kung magkakatotoo ‘yon.

ALDEN RICHARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with