Damaso gumastos sa anim na sinehan!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 14, 2019 - 12:00am

First time naming naka-attend ng isang premiere night, last Tuesday, na anim na sinehan ang ginamit ng mga producer ng musical-drama na Damaso, na dinirek ni Joven Tan.

Napuno nga ang third floor ng SM Megamall sa mga nanood sa Cinemas 7, 8, 9, 10, 11 and 12 kaya naman ang cast na nag-attend ay inikot muna ang ibang sinehan para bumati sa mga nanood, bago sila tumuloy sa Cinema 7 na nagdaos pa ng short program para ipakilala ang cast. Commendable din na ang producers ay nag-attend in their Filipiniana attire.

Pero ang isa pang nakakatuwa, iyong tilian ng fans na nagra-rant kay Jin Macapagal na gumaganap bilang si Crisostomo Ibarra. Ganun din sa mga eksenang magkasama sila ng leading lady niyang si Riva Quenery na gumaganap namang si Maria Clara. Mahuhusay ang acting nila at magaganda ang singing voice nila.

Si Jin ay winner ng BidaMan ng It’s Showtime at si Riva ay isang Star Magic Talent.

Ang Damaso ay halaw sa character ni Padre Damaso sa Noli Me Tangere na sinulat ng ating national hero na si Jose Rizal. Binigyan ito ng modern touch sa pagpo-produce ng pelikula. 

Si Arnell Ignacio ang gumanap na Padre Damaso, si Vina Morales si Sisa, si Ejay Falcon si Elias, si Pinky Amador si Dona Victorina. 

Produced ng Regis Films and Reality Entertainment, ang musical historical movie ay mapapanood na simula sa November 20 in cinemas nationwide.

Alden walang angal sa trabaho

Today, November 14, ang alis ni Alden Richards, na kasama sina Tito Sen, Vic Sotto at Joey de Leon for Dubai, para sa kanilang show na Dabarkads Day in Dubai on Friday, November 15, 7:00PM at Dubai World Trade Centre. 

Kinailangan pang mag-taping ni Alden ng mga eksena niya sa The Gift, dahil wala silang nakabangkong episode na ipalalabas sa Friday evening. No complaint naman si Alden dahil alam niyang sabik na ang netizens, na malaman ang mga susunod na eksena. Napapanood ang The Gift after ng Beautiful Justice.

Barbie napaiyak sa ginawa ni Jak!

Love na love ni Barbie Forteza ang boyfriend na si Jak Roberto, kaya nagalit siya rito nang i-prank siyang nag-post ito ng picture na nagmo-motor na walang suot na helmet. Nasa taping noon si Barbie ng kanilang Wagas episode, nang makita niya ang post napaiyak ang actress sa galit sa boyfriend, alalang-alala siya sa safety ni Jak. Kilig naman ang fans nila sa post ni Jak.

Ang Wait Lang...Is This Love Wagas episode nila ay napapanood 11:30 daily at nasa finale week na.

JAK ROBERTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with