Regine
Regine at Ogie naka-16 years na
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

Good vibes ang dala ng anniversary message ni Ogie Alcasid sa asawang si Regine Velasquez. Inalala kasi ni Ogie ang 16 years nilang pagmamahalan at ang nalalapit nilang 9th wedding anniversary sa December 22.

Sabi ni Ogie, sa nine years nila ni Regine as married couple, binasbasan ng Panginoon ang kanilang pagsasama.

Oo nga naman, hindi natin nabalitaan na nag-away sina Ogie at Regine at puro nga ang suportahan nila sa isa’t isa at pagmamahal sa anak nilang si Nate ang ating nababasa and of course, ang patuloy nila sa kanilang respective careers.

Dagdag pa ni Ogie, “Ako ay hindi buo kapag wala ka. Ako ay buhay, mulat, at nakikipagsapala­ran dahil sa iyong inspirasyon. Ikaw ang lahat sa akin. Ikaw ang aking mahal @reginevalcasid.”

Kasama kami sa nakabasa sa sagot ni Regine kay Ogie ang natawa dahil sabi nito, napaiyak siya sa ganda ng message ni Ogie, may reklamo lang si Regine, bakit daw ang pinost na picture ni Ogie ang ginamit nito sa kanyang message na sabi ni Regine, pangit siya, kaya lalo siyang naiyak.

Sagot ni Ogie, “ang ganda mo nga. I love your face when it is bare. So stunning.” Sayang at hindi na sumagot si Regine sa banat ni Ogie.

Abangan na lang natin ang muling sagutan ng mag-asawa sa araw ng wedding anniversary nila sa Dec. 22 at baka may nakakatawang hirit na naman si Regine.

Sanya payag nang magpakasal si Jak kay Barbie

Sa interview kay Sanya Lopez sa launching sa kanya at sa iba pang Kapuso stars bilang endorser ng Skin Care Line ng Beautéderm, nilinaw nito na hindi pa sila nagpapatayo ng bahay ng kuya niyang si Jak Roberto. Naghahanap pa raw sila ng right location at gusto niya sana, malapit lang sa GMA Network.

Sinabihan siya ni Jak na mahal ang lote na malapit sa GMA Network at biniro pa siya na baka gusto niya sa loob ng compound ng GMA Network na sila magpatayo ng bahay.

May lote sila sa Tagaytay, pero malayo kung doon sila magpapatayo ng bahay at saka, kung may pera na, rest house ang gusto nilang ipatayo roon.

Ayon pa kay Sanya, pinag-uusapan pa nila ni Jak kung kanya-kanyang bahay na ang ipatatayo nila ni Jak, hiwalay na sila dahil darating din naman ang araw na maghihiwalay sila. Sa puntong ito, may nagtanong kay Sanya kung okay na sa kanya sakaling gustuhin ni Jak na pakasalan na ang GF nitong si Barbie Forteza?

“Oo naman, okay sa akin kung magpapakasal na sila, basta ba kaya na ni kuya na magpamilya. Masipag naman ‘yun saka mahilig bumili ng gamit at ngayon nga, dalawa na ang car niya, ako isa lang,” sabi ni Sanya.

Nanghihinayang pala si Sanya na hindi napili ng Metro Manila Film Festival ang movie nilang Isa Pang Bahaghari na kung saan, kasama niya sina Nora Aunor, Michael de Mesa at Phillip Salvador. Akala raw niya makakasama na siya sa MMFF, umaasa si Sanya na may magandang playdate sa pelikula ni director Joel Lamangan na puring-puri siya dahil sumabay daw siya sa aktingan nina Nora at Phillip na gumaganap na parents niya.

OGIE ALCASID REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with