Zoren
Zoren tumulong magdirek ng trapik!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

Natuwa ang maraming netizens sa pinost na IG video ng aktor na si Zoren Legaspi kamakailan. Mapapanood si Zoren na nagdidirek ito ng traffic sa Pasig City, pero walang nakakaalam na siya iyon.

Suot kasi ni Zoren ang isang face mask na gamit ng bikers. Nakasakay ng kanyang racer bike si Zoren habang tumutulong ito na magdirek ng traffic sa isang intersection.“Yan po ang side line ko pag wala akong ta­ping sa totoo lang. Mahirap trabaho nila. Bilad ka sa araw at ulan buong mag hapon  #maskedman #mmda #trafficenforcer #lifestyle #cyclinglife #cycling.”

Lalo nga raw tumaas ang respeto ni Zoren sa traffic enforcers dahil hindi nga naman madali ang kanilang trabaho. Na-experience firsthand ni Zoren ang mabilad sa mainit na araw at hanga siya sa tiyaga at pasensya ng mga ito, lalo na sa mga pasaway na drivers.

Wala pang pinagkakaabalahan na teleserye si Zoren after Sahaya.

Pia at Catriona lumaban sa no make up look challenge!

Walang takot na pinakita nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kanilang “no make-up” look via Instagram.

Sinimulan ito ni Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters of South Africa na may hashtag na #AsSheIs. Nino-nominate niya ang ilang mga kaibigan na maglakas loob na ipakita nila ang kanilang no make-up look at makita ng buong mundo ang kanilang imperfections.

Inamin naman ni Queen Cat na kahit mga reyna sila ng kagandahan, may insecurities pa rin sila, lalo na pagdating sa kanilang skin na hindi naman daw lahat ay flawless.

For Catriona, tanggap daw niya ang kanyang mga imperfections at patuloy daw niyang pinaglalaban ang mga ito. Ini-encourage ni Catriona ang ibang girls na huwag ikahiya ang kanilang imperfections dahil ito ang bubuo sa kanilang pagkatao.

Anyway, sa December 8 na ipapasa ni Catriona ang Miss Universe crown sa bagong mananalo. Gaganapin ang Miss Universe 2019 sa Tyler Perry Studios in Atlanta, Georgia, USA.

Coco proud kina Vice at Ion

Kabilang sa natuwa sa pag-amin na nina Vice Ganda and Ion Perez sa kanilang relasyon ay ang aktor na si Coco Martin.

Nasabi ni Coco na sobra siyang masaya para sa kanyang kaibigan na si Vice dahil natagpuan na nito ang taong magmamahal sa kanya ng totoo.

“Siyempre sobrang saya ako para sa kanya. Alam n’yo naman ang hinahanap lang ni Vice ay ‘yung magmamahal lang sa kanya, ‘yung totoong magmamahal sa kanya. Kasi nasa kanya na lahat. Wala ng hihilingin ‘yan sa buhay eh.

“Maayos na rin ‘yung family niya, nagmamahalan sila, healthy si tita, ang kulang na lang talaga ay ‘yung magpupuno sa puso niya. Nahanap na niya ngayon, kaya sobrang proud ako sa kanya at masayang-masaya ako ngayon dahil sobrang saya niya ngayon.”

ZOREN LEGASPI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with