Regine
Regine tanggap na pambansang ninang
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

Hindi binigo ni Popstar Royalty Sarah Geronimo ang Pop Balladeer na si Ronnie Liang nang mag-guest siya sa Love X Romance concert nito na ginanap sa Music Museum last Friday.

Inawit nina Sarah at Ronnie na ang Shallow at Liwanag na bagong collaboration song nilang dalawa na available na sa Spotify at other digital music platforms.

Hindi ito ang huling show na gagawin ni Ronnie, kahit abala siya sa pagtatapos na maging piloto at very soon ay puwede na siyang lumipad. 

Gusto ni Ronnie ang una niyang isakay sa pagpapalipad niya ng eroplano ay ang kanyang pamilya.

Still on Sarah Geronimo. Masayang-masaya si Asia’s Songbird Regine Velasquez nang malaman niyang engaged na si Sarah sa boyfriend nitong si Matteo Guidicelli. Magpiprisinta raw siyang maging ninang sa kasal, bilang isa siyang Pambansang Ninang. 

Kinilig at nagka-goose bump daw si Regine nang malaman niya ang magandang balita. Hindi naman kataka-taka, maituturing na baby ni Regine si Sarah dahil siya ang nag-host noon ng Star for a Night kung saan nanalo si Sarah bilang first champion ng singing contest ng Viva Entertainment. And the rest is history na, nakita natin kung gaano nag-evolve si Sarah as a singer at later on, naging isa rin siyang mahusay at bankable actress dahil sa mga pelikulang ginawa niya noon na naging blockbuster movies.

Kaya naman marami nang naghihintay ng announcement naman ng wedding nina Sarah at Matteo. Next year na nga ba ito?

Aicelle at Mark pinaghahandaan na ang garden wedding

Thankful si Kapuso international singer actress Aicelle Santos na muli na naman siyang nakasama sa taunang GMA Christmas Station ID. 

Love Shines ang message na ipinararating ng kanta na una nang naiparinig at napanood sa Kapuso Mo, Jessica Soho last Sunday. 

Kinilabutan daw ang mga nakapanood na nito na almost 9 minutes video kung saan nagtampok sa talents ng GMA-7 sa kani-kanilang mga teleseryes at sa GMA News & Public Affairs.

“Ibinabahagi ng Love Shines ang tunay na kahulugan ng pagmamahalan,” sabi ni Aicelle. “Amidst all hardships, lahat ng pinagdadaanan ng pamilya, ng buong Pilipinas, pag-ibig lang naman ang kailangan para magkaunawaan, magkaintindihan, magbigayan and to bring peace.”

Samantala, busy na si Aicelle at ang fiancé niyang si Mark Zambrano sa nalalapit nilang wedding this November. Nagkaroon na sila ng pre-nuptial pictorial sa ilang lugar sa Europe. Isang garden wedding ang inihahanda nila.

SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with