Joem, Lovi
Tsugihan nina Lovi at Joem eskandaloso!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

Talk of the town ang sizzling love scenes nina Lovi Poe at Joem Bascon sa The Annulment.

Ayon sa mga dumalo sa premiere night ng The Annulment noong Lunes sa SM Megamall Cinema, sobrang eskandaloso at makatotohanan ang tsugihan portion nina Lovi at Joem.

Tili raw nang tili si Lovi habang ipinapakita sa big screen ang nagliliyab na love scenes nila ni Joem.

But in fairness, matinong-matino raw na pelikula ang The Annulment kaya nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos ng screening.

Kahit nawindang sila sa mga love scene nina Lovi at Joem, nangibabaw at pinupuri ng audience ang magandang kuwento at eksena ng pelikula na ipinagmamalaki ni Mother Lily Monteverde at ng kanyang anak na si Roselle.

Anak ni Sen. Grace nawindang sa love scenes ng kanyang Tita?!

Dumalo daw si Meryll Soriano sa premiere night ng The Annulment.

Ang duda ng fans, ang kanyang ex-boyfriend na si Joem Bascon ang sinuportahan ni Meryll.

Almost two years na nagtagal ang relasyon nina Meryll at Joem. Sampung taon na rin ang nakalilipas mula nang maghiwalay sila.

Napag-uusapan ang dating love affair ng dalawa dahil lumitaw ang katotohanan na hindi pa annulled ang kasal ni Meryll kay Bernard Palanca nang makipagrelasyon siya kay Joem.

Ngayong annulled na ang kasal nina Meryll at Bernard, parang imposible nang magkaroon ng Part 2 ang relasyon nila ni Joem dahil may girlfriend na ito.

Nanood din daw ng The Annulment sina Jeric Gonzales at Klea Pineda, kahit kinabukasan, may taping sila para sa Magkaagaw.

Kaibigan ni Klea si Lovi Poe, ang lead actress ng The Annulment at ito ang nag-imbita sa kanya.

Hindi natanggihan ni Klea si Lovi dahil mabait ito sa kanya at very supportive sa showbiz career niya.

May mga nakapansin na very comfortable na sina Jeric at Klea sa isa’t isa. Ang feeling ng fans, may katotohanan ang mga tsismis na nagkakamabutihan na ang dalawa.

Nagpakita rin sa premiere night ng The Annulment, si Brian Llamanzares, ang anak ni Senator Grace Poe.

Sinabi raw ni Brian na nagpunta siya sa red carpet premiere  bilang suporta sa kanyang Tita Lovi Poe.

Masyadong explosive ang love scenes nina Joem at Lovi sa The Annulment kaya wondering ang fans kung nawindang din kaya si Brian sa mga eksena na napanood niya?

Chair Rachel pinaka-approachable, fast worker at very liberal minded

Malapit na ang birthday ng isa sa pinaka-love natin na chairman, Salve, si MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) Chair Rachel Arenas na pinaka-approachable, fast worker at very liberal minded.

Hindi ko malilimutan nang maging guest natin siya sa Take It...Per Minute! (Me Ganun) dahil ang saya-saya ng conversation.

Cowboy na cowboy si Chair Rachel sa pagsagot nito sa mga tanong at sinakyan niya ang mga biro namin ni Cristy Fermin.

At heto pa, may ipinadala si Chair Rachel na bangus Pangasinan na talagang napakasarap at mula sa distrito ng kanyang butihin at very protective mother, si House Representative Baby Arenas.

Sana lahat ng mga opisyal natin, kasing-bata at approachable tulad nina Rachel at Liza Diño dahil madali ang communication at ang resulta. Happy Birthday Chair Rachel Arenas, thank you for the friendship. (Happy birthday Chair Rachel. - Salve)

JOEM BASCON LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with