^

Pang Movies

Billy may payo kay Sarah sa pag-aasawa

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Billy may payo kay Sarah sa pag-aasawa
Billy

Dahil nga lalagay na sa tahimik si Sarah Geronimo, nagbigay ng kaunting payo si Billy Crawford kay Popstar hinggil sa marriage life.

Last Sunday kasi sa ASAP Natin ‘To ay kinakantiyawan si Sarah ng co-hosts dahil kalalabas lang ng balita that time na engaged na ito kay Matteo Guidicelli.

Tinanong ni Sarah si Billy kung kumusta ang buhay may-asawa at sagot ng singer/TV host ay napakasarap daw at pagkatapos ay nagbigay ng kanyang payo.

“Ay naku, napakasarap! Sinasabi ko sa ‘yo, kahit ano ang mangyari sa buhay, ‘pag mayroon ka nang asawa, iba na. Kung ano ‘yung problema mo, dalawa na kayo. Kung ano ‘yung maganda sa buhay n’yo, dalawa na kayong gaganda ang buhay n’yo.

“Pero ‘wag na ‘wag lang mawala sana na gagabay sa inyo ang Panginoon. ‘Yun lang. Unahin n’yo lang ang Panginoon sa relationship n’yo, you guys will blossom into a blessing. Pramis ‘yan,” pahayag ni Billy.

Sarah and Matteo has yet to announce their wedding date.

Anne naiyak sa anniversary nila ni Erwan!

Kahapon ay nagdiwang ng second wedding anniversary sina Anne Curtis at Erwan Heussaff and so far ay ito na marahil ang pinakamasayang anniversary nila.

As we all know ay napakaganda ng regalong ibinigay sa kanila ni Lord at ito ay ang pagkakaroon nila ng baby finally na kasalukuyang ipinagbubunis ng aktres.

Nagbatian ang mag-asawa sa kani-kanilang Instagram account at napaka-touching naman ng kanilang anniversary message sa isa’t isa. Both are saying na ito na raw ang last anniv nila na dalawa lang sila dahil next year, siyempre ay tatlo na sila.

Medyo naging emosyonal din si Anne sa kanyang anniversary greeting base na rin sa kanyang pahayag.

“2 years gone by just like that and what a way to celebrate.... now, with our little one on the way.

“I’m not the perfect wife, I make mistakes and I am a continuous work in progress and as I embark on this journey of motherhood I know I will still not be perfect...

“I’m happy, I’m scared, I’m nervous.... but knowing that I have you right beside me... holding my hand every step of the way... it makes everything okay and settles my restless mind and heart.

“This may be our last anniversary we celebrate with just the two of us but I can’t wait to celebrate our next one with the #LittleWanForAnne with us. Ok. I’ll stop now. Crying. Preggy hormones taking over. Sorry,” ang kabuuan ng anniversary message ni Anne.

Si Erwan naman ay simple at maikli lang ang anniversary greetings pero kitang-kita mo rin na punum-puno ng pagmamahal at excitement ngayong magiging daddy na siya. Nagbiro pa ang future dad na sana raw ay makuha ng magiging baby nila ang looks ni Anne pero hindi ang boses. Haha.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with