Zephanie
Zephanie hindi kinaya ang TF ni Vice sa concert
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - November 12, 2019 - 12:00am

Bigatin ang mga guest ni Zephanie Dimaranan sa unang concert nito sa November 28, 2019 sa New Frontier Theater. 

Imagine, special guest agad ni Zep sina Sarah Geronimo, Regine Velasquez-Alcasid, Moira Dela Torre, Erik Santos, at pati ang mga champion na sina Janine Berdin at Elha Nympha, at siyempre hindi mawawala ang top 4 ng Idol Philippines.

Tanong ng fans kung bakit wala si meme Vice Ganda bilang guest sa first major concert nito. Nagkatotoo pa naman ang hula ni Vice na “magiging idol ka ng marami”. Intriga ng mga fans baka raw hindi nakayanan ang budget ni Zeph ang talent fee (TF) ni Vice dahil kina Regine at Sarah pa lang ay big time na ang kinailangang TF. 

Hindi nakapagtatakang may kamahalan ang ticket, pero katuwiran ng fans, okey lang dahil sosyal na place ang unang concert ng kanilang idol. 

Bale ba, naniniwala si Zephanie na lahat ay ayon sa timing kung kaya siya naging first Idol Phils. sa rami ng mga sinalinan nitong singing contest.

Ngayon naman ay matutupad muli ang isa sa pangarap nitong magkaroon ng solo concert na kasama pa sa stage ang kanyang idols. 

Parang kailangan nga lamang ay nakikipagsiksikan siyang makipag-selfie kina Sarah, Regine, Moira, at ibang mahuhusay na singers; pero ngayon ay special guests at makaka-duet niya ang mga ito sa kanyang concert. Kaya abot hanggang tainga ang ngiting tagumpay ni Zephanie.

ZEPHANIE DIMARANAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with