Solenn at Anne
Sabay na pagbubuntis nina Solenn at Anne, super trending
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 12, 2019 - 12:00am

Natuwa ang fans and friends ng mag-sister-in law na sina Solenn Heussaff at Anne Curtis nang mag-post si Solenn sa kanyang Instagram wall na magkasama sila ng hipag at kita na ang kanilang mga baby bump.  Si Solenn ay 7 months preggy na at si Anne naman ay five months preggy na pala.

“@solenn 4 humans in a photo. Happy to grow with you @annecurtissmith.”

Nakakuha ng more than 844 thousand views ang post ni Solenn at almost 14 thousand comments mula sa mga friends at mga kasama nila sa showbiz, both from the Kapamilya at Kapuso networks, na masayang-masaya para sa maghipag.

Fans ni Alden, ang bilis mag-react

Nag-react ang netizens na sumusubaybay gabi-gabi sa inspirational drama series ni Alden Richards, ang The Gift. Last Friday evening kasi, nakuha na ang bangkay ni Faith (Thia Thomalla). ‘Nakita’ ni Sep (Alden) ang mangyayari kay Faith kaya sumunod sila ni Amor (Mikee Quintos) sa morgue. Dumating doon ang ina ni Faith (Cheska Diaz) at nang makitang patay na ang anak, si Sep ang pinagbalingan niya at sinaktan.  

Napapanood ang The Gift after ng Beautiful Justice.

Cindy at Rhen napaghandaan ang lampungan

Adan ang first movie team-up nina Cindy Miranda, Bb. Pilipinas Tourism 2013 at Rhen Escano, 2016 Cinema One Originals Film Festival Best Supporting Actress nominee sa Si Magdalola At Ang Mga Gago.

Ayon kay Director Yam Laranas na siyang nag-conceptualized ng tinawag niyang erotic-thriller movie, pinatunayan niyang tuloy pa rin siya sa paggawa ng mga provocative stories, tulad ng mga una na niyang ginawa. Kaya nga sabi niya, ang Adan ay story ng love, lust at lies.

Sa mediacon, inamin ni Cindy na seryoso siya sa pag-arte at hindi siya nailang sa torrid kissing scenes nila ni Rhen, dahil alam niyang part iyon ng role niya. Si Rhen naman,  inihanda raw niya ang sarili nang malaman  ang story ng pag-iibigan ng dalawang babae. “Nag-workshop kami ni Cindy, kailangan ba si Adan ng dalawang babae?  Nagbigayan kami ni Cindy sa mga eksenang ipinagawa sa amin at natuwa kami nang sabihin nina Direk Yam at Direk Roman na may unbelievable chemistry kami.”

Biniro si Cindy, paano raw kapag tinanggal siya sa Binibining Pilipinas dahil sa pagtanggap niya ng ganitong role?

“Gusto ko pong imbitahing manood ang mga kasama ko sa Binibining Pilpinas sa premiere night namin. Kahit po nila ako alisin, gusto ko namang maging isang mahusay na artista.”

Ang Adan ay produced ng Viva Films at Aliud Entertainment at mapapanood na in cinemas nationwide simula sa November 20.

 Naghihintay pa sina Direk Yam at Direk Roman kung anong rating ang ibibigay sa kanila ng MTRCB.  Payag daw silang bigyan ng R-18 with less cuts na ipalalabas in SM Cinemas.

ANNE CURTIS SOLENN HEUSSAFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with