Anne tuloy ang trabaho kahit five months preggy na
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - November 12, 2019 - 12:00am

Napaka-precious ng 2nd wedding anniversary gift sa mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff, ang ipinagbubuntis ngayon ng actress-TV host and celebrity endorser na si Anne.

Sa araw na ito ng Martes, November 12 ay ikalawang anibersaryo ng kasal nina Anne at Erwan na ikinasal nung November 12, 2017 sa Queensland, New Zealand. Ang mag-asawa ay nag-celebrate ng kanilang first wedding anniversary sa South Africa nung isang taon.

Masayang-masaya para kay Anne at sa husband nitong si Erwan ang kanyang mga kasamahan sa noontime show na It’s Showtime na pinangungunahan ni Vice Ganda.  

Naunahan pa ni Anne na magbuntis si Karylle na nung 2014 pa ikinasal sa husband nitong si Yael  Yuzon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaroon ng anak.

Two months apart lamang ang pagbubuntis ni Anne sa kanyang sister-in-law na si Soleen Heussaff, ang nakatatandang kapatid ng husband ni Anne na si Erwan Heussaff.

Bukod sa kanyang personal blog kung saan ipinaalam ni Anne ang kanyang pagbubuntis last Sunday, in-anunsyo rin niya ito sa programang It’s Showtime kahapon, araw ng Lunes.

Pero kahit five months na ang tiyan ni Anne, tuloy pa rin ang kanyang trabaho bilang host ng It’s Showtime at tutulong din siya sa promo ng upcoming Metro Manila Film Festival movie nila ni Vice Ganda, ang The Mall, The Merrier na showing na simula sa December 25, araw ng Pasko.

AiAi at Liza inaabangan din sa pagbubuntis 

Maging successful kaya ang planong pagbubuntis nina AiAi delas Alas at Liza Diño sa tulong ng modern medical procedure?

Plano ni AiAi at ng mister nitong si Gerald Sibayan na magkaroon ng sariling anak sa tulong ng IVF (in vitro fertilization) gayundin sina Liza at Ice Seguerra sa tulong ng isang American male donor.  Parehong gusto nina AiAi at Liza na magbuntis sa pagpasok ng 2020.

Si AiAi ay may tatlo nang grown-up children sa dati nitong nakarelasyon at unang mister na si Miguel Verahabang may isa ring anak na babae si Liza sa una nitong husband.

Beauty queen na si Rachel Peters ikakasal na sa young governor

Matapos mapabalita ang engagement ng Pop Princess na si Sarah Geronimo sa singer-actor, triathlete at entrepreneur na si Matteo Guidicelli, ang batang gobernador naman ng Camarines Sur na si Miguel Luis “Migz” Villafuerte ang nag-propose sa kanyang longtime girlfriend, ang 2017 Bb. Pilipinas-Universena si Rachel Peters.

Ang Fil-Brit Filipina beauty ang magiging First Lady ng Camsur kapag ikinasal na sila ni Gov. Migs Villafuerte, one of the youngest politicians in the country today. 

ANNE CURTIS ERWAN HEUSSAFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with