Angelica
Kaya pala nag-emote ang actress Carlo mas pinili sa ASAP kesa kay Angelica
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - November 12, 2019 - 12:00am

So, hindi na nga tuloy si Angelica Panganiban at Vice Ganda sa ASAP Natin ‘To in Rome.

Hindi sila kasama sa mga aalis ngayon pa-Rome, Italy.

Heto ang official statement ng TFC (The Filipino Channel) na namamahala sa nasabing event on November 15.

“Angelica Panganiban has a commitment to Star Cinema for her upcoming movie Unbreakable. On the other hand, Vice Ganda cannot join the show for he has a commitment to It’s Showtime.”

Actually, hindi lang naman sila ang hindi matutuloy sa mga artistang unang na-announce na kasali sa ASAP Natin ‘To in Rome. May iba rin naman na hindi matutuloy.

Anyway, mabuti na lang at hindi rin tuloy roon si Angelica dahil baka mairita lang naman siya kapag nakita roon si Carlo Aquino.

Yes, kasama si Carlo sa event ng TFC sa Rome.

Naku, eh, kung tuloy sana roon si Angelica, baka may isnab-isnabin lang siya sa backstage, ‘noh?!

Pero, malay naman natin, tuloy ay nandoroon lang ang Vatican City at may pagka-holy ang lugar na ‘yon, baka kung tuloy sana si Angelica sa Rome ay magkabati naman sila ni Carlo?

Naku, puro malay lang naman ‘yan dahil wala namang mangyayaring ganyan dahil busy pa nga si Angelica sa shooting ng Unbreakable movie nila nina Richard Gutierrez at Bea Alonzo, huh!

Anyway, sa susunod na may pa-event na ganyan kalaki ang TFC lalo na at ASAP Natin ‘To ang involved ay mas maganda na ayusin muna ang line-up ng stars at singers bago mag-announce para walang mga nagrereklamo, ‘noh?!

Agree, Ateng Salve?

Lovi may ka-swap sa Viva

Tuluy-tuloy ang shooting ng In Between Goodbyes nina Lovi Poe, Marco Gumabao at Tony Labrusca under Viva Films at patapos na nga ‘yon.

Hindi lang masyado pang pinag-uusapan ‘yon dahil naka-concentrate nga si Lovi sa promotions ng The Annulment movie nila ni Joem Bascon under Regal Entertainment na showing na bukas at nag-premiere night kagabi.

Siyempre, ang The Annulment ang magsu-showing na nga, kaya sa pelikulang ‘yon naka-focus ngayon si Lovi.

Anyway, tama ba ang narinig ko na since may contract si Lovi sa Regal Entertainment ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde ay pinagpaalam muna sa kanila ang movie nito sa Viva Films?

Ang tsikang narinig ko, may ex-change si Mother Lily at Boss Vic del Rosario sa paggawa ni Lovi sa Viva Films.

May isang artista naman daw ang gagawa rin ng movie sa Regal Entertainment.

Well, fair lang naman ‘yon, what do you think, Ateng Salve?  

Mga Pinoy sa France ‘di pa rin umay sa Barretto sisters

Habang nagbe-breakfast kami ng friend kong si Tita Mary Ann Opeña kahapon sa Paris, France, may tatlong Filipina kaming nakasabay sa restaurant.

Ang away pa rin ng Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie at Claudine ang topic nila.

Aba, hindi pa rin nauumay ang mga Pinoy in the Philippines and abroad sa tsikahan tungkol sa away ng magkakapatid, huh!

Trending topic pa rin sila at hinihintay pa rin ang iba’t ibang mga pasabog nila.

Pero marami pa rin naman ang umaasang sana ay magkaayos pa rin naman sila at maging peaceful ang lahat.

‘Yun na!

ANGELICA PANGANIBAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with