Nakakalokang gastos, nag-umpisa sa aircon
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 12, 2019 - 12:00am

Stress-filled ang Sunday ko dahil nasira ang aircon ng van ko na okey lang sa akin dahil wah ko naman feel na gumamit ng aircon.

Ewan ko ba kung bakit matibay ako sa lamig na dala ng ulan at snow pero madali akong sipunin sa aircon.

So four days nang sira ang aircon ng sasakyan ko kaya nakikita ko na nagpapaypay ang driver ko dahil sa sobrang  init ng panahon.

Napilitan ako na ipaayos ang aircon na recommended na gumagawa ng aircon ni Tonton Gutierrez. Ang sabi sa akin, P4,500 lang ang gagastahin ko.

Pero nang i-test, nakita na mara­ming butas ang whatever  kaya umabot ng P11,000 ang babayaran ko. Grabe, ang mahal.

Heto pa, kasabay ng pag-aayos sa aircon ng sasakyan ko ang pagbigay ng baterya nito. Bakit ganoon? Kaloka.

Wala pa naman akong pera sa bahay dahil ang panggastos lang for one week ang cash on hand ko.

Naku dapat na matuloy na lahat ang deals ko sa mga alaga ko dahil hindi ko ma-imagine na naloka ako sa malaking gastos noong Linggo.

Mag-taxi or mag-aircon bus na lang kaya ako? Wala pang gastos sa maintenance ng kotse at wah pa pay sa driver? What do you think Salve? Good idea ba?

Ruru bongga ang pagiging gentleman!

Bongga ang pagiging gentleman ni Ruru Madrid dahil kahit ano ang issue, ang special friendship nila ni Bianca Umali ang main concern niya.

Lalaking-lalaki at protective special friend ang dating ni Ruru na idinenay sa national television ang balita na inaway siya ni Bianca at muntik nang masagasaan ng sasakyan ng kanyang special friend sa parking lot ng SM Megamall pagkatapos ng premiere night ng Cara X Jagger.

Asset siya ni Bianca dahil with Ruru around she is so safe. Ang sarap niya na maging bestfriend di ba?

Sana maging maganda ang people chemistry nina Ruru at Bianca. Sana magkatulungan sila sa pag-akyat at maging terno ang chemistry nila para maging big stars ang dalawa na parehong talented, parehong focus sa trabaho at parehong beautiful people. Always stay a gentleman Ruru, and follow your heart.

Jim Paredes na-instant karma

Nag-boomerang kay Jim Paredes ang pag-alma niya sa balita na bibigyan ng GMA 7 ng regular show si Senator Bong Revilla, Jr.

Ang netizens na ngayon ang bumibira kay Jim dahil the nerve na sabihin nito na hindi good role model si Bong para sa mga kabataan kaya hindi dapat bigyan ng children’s show.

Dahil sa kanyang emote sa Twitter, si Jim na rin ang bumuhay sa isyu tungkol sa kanyang video scandal na nalimutan na sana ng mga tao.

Kung masakit ang mga salita na binitiwan ni Jim laban kay Bong, triple ang hurtful words na ibinabalik sa kanya ng mga tao na nagsabi na wala siyang karapatan na magsalita tungkol sa good role model dahil  hindi rin siya magandang ehemplo sa mga kabataan.

Dati nang binabanatan ni Jim si Bong kaya malapit na akong magmalisya sa mga ginagawa niya. May mga duda naman na sinasadya ni Jim na batikusin si Bong para mapag-usapan siya at maramdaman ng mga tao na he’s back.

Mabilis na nakalimutan ni Jim ang mga kahihiyan na dinanas na kagagawan din niya  at bale-wala ang kanyang  pansamantala na pananahimik dahil back to his old self siya.

RURU MADRID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with