^

Pang Movies

Ken at Rita na-touch sa ginawa ni Coco!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ken at Rita na-touch sa ginawa ni Coco!
Rita, Ken

Sobrang na-touch sina Ken Chan at Rita Da­niela kay Coco Martin nang ma-meet nila ito one time sa Ninoy Aquino International Airport. Naganap ito bago pa man ang kontro­bersyal na isyung inisnab sila ni Alex Gonzaga sa airport din.

Tuwang-tuwang kuwento ng RitKen sa launching nila last Saturday for Beautéderm, ang Kapamilya actor pa raw ang unang lumapit sa kanila nang magkita sila.

“Nakakatuwa kasi si Sir Coco, siya pa talaga ang unang lumapit sa amin, in all fairness,” sabi ni Rita.

Sey naman ni Ken, nang makita raw nila si Coco, nagtatanungan pa sila ni Rita kung lalapitan ba nila dahil nahihiya raw sila.

“Nahihiya kaming lapitan si Kuya Coco kasi baka pagod siya, may taping,” he said.

Ang sabi pa raw ni Coco sa kanila noong lapitan sila, “Uy, Ken, pasensiya na kayo, hindi ko kayo agad nakita.”

Patuloy pa ni Ken, “tapos siya pa mismo ang nagsabi sa amin na idol niya kami.”

Sabi raw ni Rita kay Coco, “sir, pa-picture po kami.” Ang sagot naman daw ng aktor, “hindi, ako nga dapat magpa-picture sa inyo kasi idol ko kayo, eh.”

Ang mas ikina-touch pa raw nila, ang tawag daw sa kanila ni Coco ay Aubrey and Boyet na mga karakter nila sa My Special Tatay, pagpapatunay na napanood nito ang serye nila at sinabi rin daw ito mismo sa kanila ng aktor.

“Nakaka-overwhelm kasi ‘yung team po niya ‘yung nag-post pa ng picture namin together. Sila talaga ang nauna. So, nakaka-overwhelm po ‘yung ganu’n,” sey ni Rita.

Samantala, ang RitKen ay dalawa sa mga Kapuso Stars na ini-launch kahapon ng Beautéderm bilang bagong Ambassadors ng nasabing beauty product and skin care. Ang iba pa ay sina Camille Pratts, Sanya Lopez and Pauline Mendoza.

“My Beautéderm babies are increasing at masaya at proud akong i-welcome ang aking GMA Artist Center brand ambassadors sa aming lumalaking pamilya,” ang sabi ni Rhea-Anicoche Tan na President and CEO ng Beutéderm Corporation.

“Sina Camille, Ken, Pauline, Rita, at Sanya ay lima sa pinakamahuhusay na artists na aking nakilala and I am at awe with what they have accomplished in their individual careers. Blessed ang Beautéderm to have them onboard,” she said.

Para sa karagdagang balita at cool updates kina Camille, Ken, Pauline, Rita Daniella, at Sanya, at sa Beautéderm Corporation, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram at i-like ang Beautéderm sa Facebook.

Kapatid ni Matteo may ibinuko

Ibinuko ng kapatid ni Matteo Guidicelli na one year na palang engaged ang kuya niya at si Sarah Geronimo.

Sa Instagram Story ni Paulo Guidicelli ay binati niya ang kuya Matteo at ate Sarah niya on their engagement at sa caption, he wrote, “they were engaged for about a year now. It was just a secret.”

Karugtong na caption pa niya, “Nobody found out. Hahahha.”

Matatandaang napabalita nga last year na engaged na sila pero nang ma-interview si Matteo that time ay itinanggi niya ito. So, all the while ay totoo pala ang tsismis na ‘yun.

vuukle comment

KEN CHAN

RITA DA­NIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with