^

Pang Movies

Sanya walang maalala sa ama!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Sanya walang maalala sa ama!
Sanya

Barely one year old pa lamang si Sanya Lopez nang mamayapa ang kanilang ama ng elder brother niyang si Jak Roberto na si Ramil Roberto kaya wala umano siyang memories ng kanyang ama sa kanyang paglaki.

Mag-isa umano silang iginapang ng kanilang inang si Marlyn Roberto at sa kalaunan ay tumulong na rin ang nakatatandang kapatid niyang si Jak na siyang tumatayong padre de familia ngayon sa kanila.

Ngayong maganda na rin ang kita ni Sanya ay nakakatulong na rin siya sa gastusin ng kanilang pamilya. Bukod sa nakabili na rin siya ng sarili niyang sasakyan na kailangan niya sa kanyang trabaho, pinag-iipunan na rin ng Kapuso actress ang makapagpatayo ng sariling bahay.

Malayu-layo na rin ang narating ng  discovery ng yumaong star builder at Master Showman na si German ‘Kuya Germs’ Moreno maging ang kanyang nakatatandang kapatid na si Jak Roberto.

Ayon sa kuwento ni Sanya, minsan ay sumama umano siya sa taping ng Walang Tulungan… at doon siya namataan ni Kuya Germs. It was her manager ang nagpalit ng kanyang screen name to Sanya Lopez para maiba sa kapatid niyang si Jak Roberto.

Nang sumakabilang-buhay si Kuya Germs in January 2016, ang magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez ay in-absorb ng GMA Artist Center na siya ngayong namamahala ng kanilang respective careers.

Na-elevate na rin sa lead roles ang magkapatid na Jak at Sanya at in demand ngayon ang huli sa mga product endorsements which include Beautéderm at pagiging Calendar Girl 2020 ng Ginebra San Miguel bilang kasunod ng 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach na siya namang Calendar Girl 2019 na magtatapos na ngayong Disyembre.

Ken at Rita walang label ang ‘relasyon’

Ayaw lagyan ng label ng magka-loveteam at pangunahing bituin sa te­leseryeng One of the Baes ng GMA 7 na sina Ken Chan at Rita Daniela kung anumang relasyon meron sila ngayon. Ang mahalaga umano ay espesyal at mahal nila ang isa’t isa at nagsasabihan na sila ng “I love you” kahit hindi pa umano official ang kanilang pagiging magkasintahan.

Inamin ni Ken na nakakaramdam umano siya ng selos kapag ipinapareha si Rita sa iba.

Hinahangaan naman ni Rita si Ken sa pagiging totoo at mapagpamahal nito sa kanyang pamilya.

Samantala, bukod sa magkasama sina Ken at Daniela sa One of the Baes, magkasama rin ang dalawa sa The Clash maging sa pagiging brand ambassador ng Beautéderm kaya practically magkasama sila araw-araw mula Lunes hanggang linggo at magkakasama rin ang dalawa sa mga promo activities ng Beautederm sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas and hopefully maging sa ibang bansa.

Camille ayaw nang dagdagan ang anak

Eleven years old na ang panganay na anak ng Kapuso actress-TV host and celebrity endorser na si Camille Prats-Yambao na si Nathan sa kanyang namayapang unang mister na si Anthony Linsangan. May dalawa namang anak si Camille sa kanyang second and present husband na si John Yambao na sina Nala at Nolan plus one stepson sa part ni John kaya apat na sila.

Sa presscon ng Beautéderm kung saan isa sa mga brand ambassador si Camille, inamin nito na tama na umano sila sa apat na anak dahil may isa na silang girl na si Nala.

Bukod sa kanyang hosting job sa Mars Pa More, busy rin si Camille sa pagpapatakbo sa kanilang school, ang Divine Angels Montessori of Cainta where she holds office almost everyday kapag wala siyang taping or other showbiz commitments. Habang ang kanyang husband na si John ay siyang namamahala ng kanilang restaurant, ang Tito’s Fil-Mex Restaurant na matatagpuan sa Ayala Malls Feliz.

vuukle comment

SANYA LOPEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with