Alden, Dingdong
Alden at Dingdong nakarating sa West Philippine Sea
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 10, 2019 - 12:00am

For the first time on TV, magsasama sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa isang show. Special guest ni Dingdong si Alden sa episode ng Amazing Earth ngayong hapon, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA-7.

Nagpunta sila sa Subic Bay at malapit na sila sa West Philippine Sea. Tinuruan din ni Dingdong na magpatakbo ng speed boat, na sinakyan nila sa paglilibot doon si Alden. 

Ibabahagi naman ni Alden ang kanyang memorable travel destination at mga kuwento mula sa kanyang adventure.

Sa personal one-on-one interview ni Dingdong kay Alden, tanong niya: “Bakit sinabi mong malamig ang iyong Valentine’s Day 2019?”

“Nagpunta kasi ako ng Iceland noon para makita ang Aurora Borealis, napakaganda ng nasaksihan ko at gusto kong bumalik doon,” sagot ni Alden.

Kung mabigyan siya ng chance na muling bumalik doon, sino ang gusto niyang makasama?

“Ang family ko or someone very special.”

Marami pang ibabahagi sina Alden at Dingdong sa Amazing Earth.

Maine at Alden tuloy lang sa taping kahit may sakit

Mapapanood pa rin si Alden at mga Kapuso artists tonight sa isang  11.11 Big Christmas TV Special ng Shopee. Live na magho-host sina Alden, Maine Mendoza at Heart Evangelista with Lani Misalucha, Barbie Forteza, Gabbi Garcia at ang endorsers na sina Jose Mari Chan at Manny Pacquiao. 

Big event ito dahil ira-raffle nila ang big prizes, like house and lot, brand new car at marami pang malalaking premyo. Live itong mapapanood sa GMA-7 at 10:30 PM, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Wish lamang naming pareho nang magaling sina Alden at Maine na may colds. Si Alden nga, kahit medyo nahihirapan, tuloy ang taping niya last Friday ng The Gift, dahil iyong ipinalabas na episode last Friday evening ay shoot lamang nila noong Friday afternoon. Si Maine naman ay sa advanced taping ng Daddy’s Gurl, last Thursday sipon na sipon.

Marian at Maine may pa-welcome kay Kisses

Overwhelmed si Kisses Delavin nang sa contract signing niya last Friday, November 8, sa Triple A (All Access to Artists) na management arm ng APT Entertainment ni Mr. Antonio P. Tuviera, sa surprise nina Director Mike Tuviera at Triple A President Rams David, na video message ng mga magiging co-artists niya, sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, phenomenal star Maine Mendoza at ang pinakabata, si Baeby Baste. Hindi ikinaila ni Kisses na fan na fan siya ni Marian na napakabait daw sa una pa lamang nilang pagkikita.

Si Kisses, sa kabila na magiging busy na siya dahil magkakaroon pa rin siya ng workshops at trainings, hindi raw niya pababayaan ang kanyang pag-aaral. Sa ngayon kasi, kumukuha siya ng Accountancy sa La Salle University at may classes siya every Tuesdays and Thursdays.

ALDEN RICHARDS DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with