Marian
Marian hindi pa rin magte-teleserye
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 9, 2019 - 12:00am

Kinulit ng entertainment press si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa muli niyang pagri-renew ng contract as the Face of Beautederm sa harap ni President and CEO Rhea Anicoche Tan ng Beautederm Corporation at sa manager niyang si Rams David, sa Luxent Hotel last Thursday, November 7.

Ngayon daw na magpo-four years old na ang panganay nila ni Dingdong na si Zia at seven months na ang bunso nilang si Ziggy, kailan daw naman siya muling gagawa na ng teleserye sa GMA Network at sino ang gusto niyang maging leading man? “May offer ang GMA at matagal na nga nila akong hinihintay,” sagot ni Ma­rian.  “Kaya lamang since ginagawa ngayon ni Dong ang Descendants of the Sun, hindi pa ko puwedeng gumawa ng teleserye. Napagkasunduan na namin iyon ni Dong na hindi namin puwedeng iwanan nang sabay ang dalawang bata. Pero kung pwede na, gusto ko pa ring magbalik-tambalan kami ni Dong, dahil ang last pa naming pinagtambalan, ang Beloved na eight years ago na iyon.  May offer din na movie sa akin, pero ang priority ko pa rin ang mga anak namin.”

Ang Reverie by Beautederm Home ay ginawa in collaboration with Marian, na exquisite line of home scents – from soy candles to room and linen sprays.  Lahat ng mga scent ay katulong si Marian ng Beautederm at kapag approved na niya, itutuloy na nila ang paggawa nito. “Beautederm Home is like a family to me,” sabi pa ni Marian. “Kaya sa muling pagri-renew ko ng contract sa kanila, nagpapasalamat ako sa trust nila sa akin.”

Ayon kay Ms. Rhea, simula nang maging endorser nila si Marian last year, nag-triple ang kanilang sales. 

Sa ngayon daw, aabot na hanggang sa December, 2019 ang 100 physical stores nila sa buong bansa.  Dagdag pa ni Marian, ang Mama Amalia niya ay kasalukuyang nag-aaral kay Ms. Rhea para sa pagtatayo nito ng sariling store.

May limang scents ang Reverie Line of Beautederm Home, ang Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time to Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucaluyptus Scent) and Rest of & Relaxation (Lavender Scent).

Ang paborito ni Marian ay ang Into The Woods at ang asawang si Dingdong ay gusto naman ang Rest & Relaxation.

Maine pinagtripan si Paolo

Napagtripan ni Phenomenal Star Maine Mendoza ang kanyang kuya Pochoy (Paolo Ballesteros) last Thursday noon sa Eat Bulaga. Post ni Paolo sa kanyang instagram: “Langya, hirap talaga mag-iwan ng fone eh... part 1 @mainedcm.”

Dalawang parts nga of ten photos each ang post ni Paolo ng iba’t ibang selfie photos ni Maine, sa dining room nila sa APT Studios, habang kumakain ito ng lunch of pritong bangus and sinangag, hanggang sa pag-inom ng tubig, at kinunan ang sarili.

Sa ngayon kasi, nasa studio na lagi ang Dabarkads at busy na sila sa pagri-rehearse ng gagawin nilang show sa Dubai sa November 15 na magaganap sa Dubai World Trade Center.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with