Young actress na maamo ang hitsura, makati na noon pa
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - November 9, 2019 - 12:00am

Makati pa pala sa pagkain na gabi ang isang young actress. Kasi naman, ke bata-bata pa lang ay mahilig na sa lalaki, huh!

Desirable kasi ang young actress kaya mada­ling makabingwit ng type niyang mhin, huh! Ang bongga raw sa girl, maingat naman sa sex kaya hindi nabubuntis!

Ayon sa chika ng source, ‘yun isa niyang actor-boyfriend, hiniwalayan siya dahil nahuli nitong may condom sa basurahan sa condo nito.

Pinatulan din niya ang isang young actor bago pa man nagka-girlfriend na artista ang aktor.

Mukhang inosente ang young actress pero wild daw pala pagdating sa kama, huh!

Mark at Nicole lantaran na

Magka-date sina Mark Herras at girlfriend na si Nicole Donesa sa Havana Nights Thanksgiving ng GMA Network sa Polo Club sa Makati City nitong nakaraang mga araw.

Inilantad ni Mark ang litrato nila ng GF sa kanyang Instagram. Siyempre, kapwa sila larawan ng kaligayahan.

Mula sa pagiging co-actor sa natapos na Kapuso series na Bitag, nakakita si Mark ng kapalit ni Winwyn Marquez.

Anyway, sa episode tonight sa Magpakailanman na Langit Ka Lupa Ako, sina Mark at Nicole ang magkapareha.

Bianca todo paganda pagkatapos ng parking lot controversy

Speaking of GMA Havana party, walang keber si Bianca Umali na dumalo kahit sariwa pa ang parking lot controversy last Monday sa SM Megamall sangkot siya at boyfie na si Ruru Madrid.

Todo paganda si Bianca sa suot niya at fierce na fierce ang dating sa pictures niya, huh! Parang walang nangyari!

Eh present din si Ruru sa party at may litrato na magkasama sila.

Lover’s quarrel lang kaya ang naganap nina Bianca at Ruru? Ang dinig namin, mitsa raw ‘yon para hiwalayan na siya ng young actor, huh!

MARK HERRAS NICOLE DONESA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with