Alexa
Isyu ni Alexa kina Nash at Sharlene naka-nega sa kanyang pelikula
RATED A - Aster Amoyo (Pang-masa) - November 8, 2019 - 12:00am

Hindi nakatulong sa pelikulang Santigwar ang kanegahan ni Alexa Ilacad sa promo ng kanyang launching movie. Sa halip na mai-promote nang husto ang pelikula ay ibinuhos nito ang kanyang galit sa kanyang dating ka-loveteam and dating boyfriend na si Nash Aguas, maging ang kanilang da­ting kasamahan at kaibigan sa nagsarang kiddie gag show na Goin’ Bulilit na si Sharlene San Pedro. Ang en­ding, super flop ang Santigwar na hindi man lamang tumagal ng isang linggo sa mga sinehan. Nadamay tuloy sa kanegahan ni Alexa ang ibang cast ng movie, director na si Joven Tan at maging ang producer ng pelikula.

Si Alexa ay napapanood sa top-rating primetime series na The Killer Bride na pinangungunahan nina Maja Salvador, Janella Salvador, Joshua Garcia at Geoff Eigenmann.

Kambal nina Aga at Charlene walang bonggang debut

Last Tuesday, November 5 ay nagdiwang ng kanilang ika-18th birthday ang twin children ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales na sina Andres at Atasha pero walang bonggang debut celebration ang kambal dahil mas gusto pa rin nila ang isang simpleng selebrasyon lamang together with their family and close friends.

Very proud ang mag-asawang Aga at Charlene sa kanilang twins dahil studies ang priority ng mga ito sa halip na pumasok na rin ng showbiz.

AiAi blessed sa naging asawa

Ngayong November 11 ay kaarawan ng Co­medy Queen na si AiAi de las Alas and she will be turning 55.

Kamakailan lamang ay muling lumagda ng panibagong kontrata sa GMA ang misis ni Gerald Sibayan as her advance birthday gift sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.  Tatlong taon ang bagong nilagdaang kontrata niya.

Patuloy pa ring tumatakbo ang programang kinabibilangan ni AiAi na Sunday PinaSaya na mahigit apat na taon na sa ere. Meron din siyang upcoming Metro Manila Film Festival movie, ang 3pol Trobol: Huli Ka Balbon na pinagsasamahan nila for the very first time nina Coco Martin at Jennylyn Mercado.

Si Coco rin mismo ang lead actor, director at producer ng nasabing pelikula na isa sa walong official entries ng 2019 MMFF na magsisimula ngayong December 25 up to January 7, 2019.

ALEXA ILACAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with