Sarah
Sarah makakabawi sa career ‘pag natuloy ipareha kay Daniel
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 8, 2019 - 12:00am

Umugong ang mga usapan na mukhang matutuloy na ang pagtatambal nina Sarah Geronimo at  Daniel Padilla sa isang project. Matagal na iyang usapang iyan pero hindi naman natuluy-tuloy. Pero ngayon nga may sinasabing baka matuloy na.

Sa panahong ito, kailangan ni Sarah ang ganyang project. Hindi naman natin maikakaila na ang huling pelikula ni Sarah ay nailampaso sa takilya ng mga nakasabay na foreign films. Hindi lamang dahil sa talagang matindi ang foreign films na katapat niya, mukhang hindi rin ready si Sarah para sa ganoong formula. Hindi nag-click ang pa-cute na ang partner niya ay aso.

Bago rin naman inilabas ang pelikula, walang masyadong activity si Sarah. Tinangka nilang ilabas ang theme song ng pelikula bago iyon ipalabas sa sine, pero hindi nga rin nakakuha ng sapat na airplay, natural hindi naging hit ang kanta bago ang sho­wing ng pelikula.

Aminin din naman natin na ang hit movies ni Sarah ay iyong katambal si John Lloyd Cruz, na noong mga panahong iyon ay siyang number one matinee idol at talagang kumikita sa takilya ang mga pelikula sino man ang katambal niya. Kaya kahit noon, mas binibigyan ng credit talaga si John Lloyd.

Hindi naman ibig sabihing hindi malakas si Sarah. Siguro lang hindi siya ready o kaya ay hindi nai-promote na kagaya ng mga dati niyang pelikula, itong dalawang huli.

Pero kung si Daniel Padilla nga ang kanyang magiging leading man, hindi lang natin masasabing malakas talaga sa takilya si Daniel, tiyak din na mas maipo-promote ang kanyang pelikulang gagawin. Malaking advantage iyan para makabawi si Sarah.

Kung kami ang tatanungin, iyan na nga ang dapat gawin ni Sarah, iyon ay kung gusto niyang mabilis na makabangon ang kanyang career.

Selos ni Bianca walang kuwenta

Ang daming iskandalo sa showbusiness lately, pero ang mas napansin namin ay iyong awayan nina Ruru Madrid at Bianca Umali sa parking lot ng isang mall. Pumunta raw si Bianca para panoorin ang pelikula ni Ruru.

Sa hindi malamang dahilan, umalis din naman daw agad si Bianca bago pa man matapos ang pelikula. May nagsasabing sa hindi malamang dahilan, mukhang nagselos iyon sa leading lady ni Ruru na si Jasmine Curtis Smith. Kasi naman daw si Ruru, open sa pagsasabing crush niya si Jasmine.

Pero wala namang sinasabing mag-syota sina Bianca at Ruru kaya ano ang punto ng pagseselos kung sakali?

Anyway, nag-abot pa sila sa parking lot. Nang lumapit daw si Ruru kay Bianca, itinulak niya iyon at pagkatapos pinasibat pa ang kanyang kotse at muntik pang mabundol si Ruru. Nagmukhang tanga si Ruru sa ganoong pangyayari. Pero isa lang ang masasabi namin, mali ang nangyaring iyon.

Poging matinee idol bukol king ng millennials!

Dati, may isang male star na sinasabing pantasya ng mga babae at bading, pero ngayon ang sinasabi hindi na siya pogi, kaya ang bagong pantasya naman nila ay isang poging matinee idol, na ewan nga ba kung bakit ang madalas na focus sa lahat halos ng kanyang mga pictures at video sa internet ay ang kanyang “bukol”.  Siya na rin ngayon ang tinatawag na “bukol king” ng millennials.

Maganda ba namang title iyon?

SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with