Morisette nag-walkout, Janno ‘di sinipot ang concert ng baguhang singer
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - November 8, 2019 - 12:00am

Ang issue kaya sa pagwo-walkout ni Morissette Amon sa concert ni Kiel Alo na produced ni Jobert Sucaldito sa Music Museum noong Wednesday night ang mag-e-end sa interes ng mga tao sa sigalot ng Barretto sisters?

Na-offend daw kasi si Morissette nang tanungin siya ng TV Patrol reporter na si Mario Dumaual tungkol sa kanyang tatay before the start ng show.

Nag-iiiyak daw si Morissette sa backstage at iniumpog pa raw sa dingding ng singer ang kanyang ulo.

May problema sa pagitan ni Morissette at ng kanyang tatay, kaya marahil nag-tantrum siya nang mabanggit ni Tito Mario ang kanyang tatay.

Ayon naman kay Kiel na kasabay niyang ininterbyu ay ok naman daw si Morissette, pero ‘yon nga, iba na ang naging mood ng dalaga bago pa ang kanyang portion, kaya umalis na.

Nagpaliwanag naman daw ang manager ni Morissette nang pumunta ito sa stage, pero ang singer daw ay hindi na pumayag na lumabas sa stage at magpakita sa mga tao at nagtatatakbo raw palabas sa venue.

Tsk... tsk... tsk...

Nang tinext ko naman si Tito Mario ay sinabi niyang, “Not guilty po.”

Actually, sinabi naman ni Jobert na nasa interview mismo siya at wala naman siyang narinig na masamang tinanong si Tito Mario para magkaganoon si Morissette.

Masama ang loob ni Jobert sa pangyayari dahil hindi nagpaka-professional si Morissette.

Napaiyak si Jobert, kaya awang-awa sa kanya ang mga nagpunta sa Music Museum.

‘Kaloka!

Dahil sa “eksenang” ‘yon ni Morissette, natabunan ang issue sa hindi naman pagsipot ni Janno Gibbs sa concert ni Kiel.

Nag-yes daw si Janno kay Jobert.

Ang biruan ng ibang entertainment press na nandun ay baka hindi raw nagising si Janno.

Hehehe.

May isang malapit kay Janno na tinatawagan ko kahapon para tanungin kung ano ang nangyari kaya hindi nakasipot sa Music Museum noong Thursday ang singer/comedian, pero hindi naman ako nasagot ng taong ‘yon.

MJ Marfori nanganak na!

Nanganak na ang TV5 showbiz anchor na si MJ Marfori kahapon ng 8:58AM sa panganay nila ng mister na si Oscar Oida na news reporter naman ng GMA-7.

Sobrang saya ng mag-asawa dahil may baby na rin sila.

Aerin ang pangalan ng kanilang baby.

To MJ and Oscar, congrats!

Alam mo, Ateng Salve, parang kailan lang nang nag-attend tayo sa kasal nina MJ at Oscar na isa sa mga ninang ay si Madame Imelda Marcos na lola ni MJ, at isa sa mga ninong naman ang big boss natin na si Mr. Manny V. Pangilinan. (Wow. Parang wala lang. Congratulations Oscar and MJ. – Salve)

Ilang kapamilya singers at artista tutulak pa-Italy!

Karamihan ng mga artista at singers na kasali sa ASAP Natin ‘To Rome ay aalis pa-Italy on Tuesday.

Magiging busy sila sa Sunday dahil bukod sa live ay may taping pa sila.

Ang bongga!

‘Yun na!

MORISSETTE AMON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with