Vice Ganda naalala sa lindol!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 8, 2019 - 12:00am

Lumindol pala kahapon sa Luzon, pati sa Metro Manila pero hindi masyadong namalayan ng karamihan dahil natutulog pa sila.

Nakakaloka lang na may mga tao na nagsabi na nilindol ang Luzon dahil sa sarcastic challenge ni Vice Ganda kay Pastor Apollo Quiboloy na pahintuin din nito ang traffic sa EDSA at ang FPJ’s Ang Probinsyano, ang teleserye ni Coco Martin.

Pinag-usapan noong nakaraang linggo ang claim ni Pastor Quiboloy na pina-stop niya ang malakas na lindol sa Mindanao habang umiinom siya ng kape.

Pinaglaruan ni Vice Ganda sa It’s Showtime si Quiboloy na sinabihan niya na mayabang kaya rumeresbak ang mga supporter ni Quiboloy.

Sure naman tayo na nagbibiro lang si Vice Ganda pero hindi maganda na magbiro tungkol sa kalamidad, lalo na kung marami ang nasalanta, nawalan ng tahanan, kabuhayan at namatay.

Hindi nag-iisa si Vice dahil marami rin ang na-offend sa pahayag ng former singer at anti-Duterte na si Leah Navarro tungkol sa lindol sa Mindanao. Nag-sorry si Leah pero bale-wala ang paghingi niya ng paumanhin dahil idineklara na siya na persona non grata sa General Santos City.

Dantes squad in demand na endorser

Bongga si Marian Rivera dahil kahapon ang renewal niya ng kontrata sa Beautéderm Home ni Rhea Tan.

Tuwang-tuwa si Marian dahil bukod sa renewal ng kanyang kontrata, kasabay nito ang launch ng mga bagong scent ng diffuser at candles ng Beautéderm Home.

Lalong dumarami ang mga endorsement ni Marian mula nang maging nanay siya dahil balitang-balita ang pagiging good wife niya kay Dingdong Dantes at good mothering sa kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy.

Both of them are enjoying the best of their career plus being good parent. Hay naku, imagine mo ang buong family, father, mother, daughter at son ng Dantes squad, mga endorser na. ‘Di ba kainggit talaga?

No wonder, ni-renew agad ni Rhea ang contract ni Marian for Beautéderm Home dahil bagay na bagay na pang-regalo ngayong Christmas season ang mga kandila at diffuser products ng kanyang kompanya.

Paulo nakabawi na sa depression

Nakakaloka naman ang litrato ng hiwa sa pulso ni Paulo Avelino na may mga tahi at naka-post sa kanyang Instagram account na patunay na sinubukan niya noon na tapusin ang sariling buhay dahil sa matinding depression na nararamdaman.

Inilabas ni Paolo ang morbid picture ng kanyang pulso bilang justification na totoo ang mga mental health problem, dapat suportahan at unawain ang mga tao na dumaranas ng depression.

Mukhang okey na ngayon si Paulo or else, hindi siya magiging matapang na aminin sa publiko ang pinagdaanan niya.

Kinaiinggitan ang mga artista na kagaya ni Paulo dahil sa kanilang mga popularidad at fortune pero hindi sila naiiba sa mga ordinaryong tao na dumaranas ng depression. Kailangan din nila ng pag-unawa at pagmamahal.

VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with