Ruru
Ruru muntik sagasaan nang makita si Jasmine!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 7, 2019 - 12:00am

Bianca noon pa selosa

How true na gumawa ng eksena si Bianca Umali sa parking lot ng Mega Mall matapos ang red carpet premiere night ng Cara X Jagger last Tuesday?

Dumalo si Bianca sa premiere night ng movie na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Jasmine Curtis-Smith at marami nga ang natuwa’t nagpista sa pagdating niya since matagal na nga silang nali-link ng aktor.

Pero pagkatapos ng premiere night ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo sina Ruru at Bianca sa parking lot ng Megamall kung saan ay nasaksihan ng ibang taong naroroon.

Ayon sa tsika sa amin ng isang nakasaksi, nakita raw ni Bianca si Jasmine na nakasakay sa sasakyan ni Ruru pero kasama naman umano ang direktor ng movie na si Ice Idanan pati na ang handler ni Jas. Papunta sila sa cast party para sa pelikula, ayon sa aming source.

Nang makita umano ni Ruru ang sasakyan ni Bianca sa parking lot, nilapitan ng aktor ang rumored girlfriend pero ang nangyari raw ay nagkaroon ng heated argument ang dalawa. Hanggang sa naitulak pa umano ni Bianca ang aktor.

Pagkatapos daw nito ay sumakay sa kanyang sasakyan si Bianca at pinaharurot ito at akmang sasagasaan pa si Ruru.

Selos ang hinihinalang dahilan kung bakit nagalit si Bianca. Marahil daw ay nagselos ito nang makitang nakasakay si Jasmine sa sasakyan ng aktor. Bukod pa rito, hinihinalang nagselos din ang young actress sa matatamis na eksena ng dalawa sa pelikula.

Pero ayon naman sa aming source, sumakay sina Jasmine at direk Ice sa sasakyan ni Ruru para sabay-sabay na silang pumunta sa cast party since walang dalang car ang aktres.

Noon pa ay may tsika na talagang selosa si Bianca at madalas nga raw itong magselos kay Jasmine habang ginagawa pa ang Cara X Jagger.

Pero ayon naman sa another source na nakausap namin, wala namang dahilan para magselos si Bianca kay Jasmine dahil parang nakababatang kapatid lang daw ang tingin nito kay Ruru and besides, may boyfriend ang aktres na mahal na mahal niya.

Anyway, bukas ang aming pahina para sa sariling panig ng mga taong sangkot sa kwento.

Ken inaalagaan si Rita sa ospital

Tila naospital si Rita Daniela base na rin sa Instagram post ng ka-loveteam na si Ken Chan.

Makikita sa larawan na ipinost ni Ken na naka-hospital dress si Rita at parang nasa hospital room sila. Obvious sa nasabing photo na binisita ng aktor ang leading lady sa One of the Baes. “If you’re feeling bad, I’m feeling bad, but when you’re happy, my day can’t get any brighter. Thank god your feeling better,” ang caption ni Ken.

Ang daming kinilig na RitKen fans sa nasabing post at ang dami na namang comments na sana raw ay maging sila na rin talaga in real life dahil bagay na bagay sila.

Hindi na idinetalye pa ni Ken kung bakit naospital ang ka-loveteam pero base naman sa larawan ay mukhang ok na si Rita kaya wala namang dapat ipag-alala ang mga fans nila.

RURU MADRID
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with