^

Pang Movies

Melai tinago ang tulong sa Mindanao

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Melai tinago ang tulong sa Mindanao
Melai

Kabilang ang Kapamilya TV host at comedienne na si Melai Cantiveros sa nagbigay ng relief goods sa mga naging biktima ng lindol sa Mindanao.

Tahimik ngang ginawa ito ni Melai at nalaman lang ang kanyang good deed nang may magpasalamat sa kanya sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Ang kaibigan ni Melai na si Darla Sauler ang nakakita ng post na iyon ng natulungan ni Melai at siya na ang nag-upload nito sa kanyang social media account.

Tulad ni Melai, may malaking puso rin si Angel Locsin na siyang nanguna sa celebrities na nagdala ng relief goods sa Mindanao. Tahimik din itong ginawa ni Angel noong nakaraang November 1 at nalaman lang ng public nang may mag-post sa social media ng photos at video ni Angel na namimili at nagdi-distribute ng mga dinala niyang relief goods.

Keanu Reeves inilantad na ang dyowa!

Pinakita na sa publiko ni Keanu Reeves ang kanyang nababalitang girlfriend na si Alexandra Grant.

Nakita raw ang 55-year old actor kasama ang 46-year old artist sa red carpet event ng LACMA Art + Film event in Los Angeles.

Very private si Keanu sa kanyang lovelife kaya walang alam ang marami tungkol sa kung sino ang dine-date niya not until nakitang kasama niya si Alexandra.

“It looked like they were on a date,” ayon sa isang source na nakita ang dalawa sa isang sushi restaurant in L.A.

Noong June ay kasama ni Keanu si Alexandra sa Saint Laurent spring/summer 2020 menswear show in Malibu.

Last year, they were spotted sharing a laugh in a car after dinner at Madeo.

10 years na raw magkakilala sina Keanu at Alexandra. May dalawang libro silang ginagawa na Ode to Happiness and Shadows.

Bilang artist, ang mga work ni Alexandra ay na-display na sa Museum of Contemporary Art in Los Angeles and the Contemporary Museum in Baltimore.

vuukle comment

MELAI CANTIVEROS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with