^

Pang Movies

Nagpatigil daw kasi ng lindol, Vice gustong ipatsugi ang probinsyano kay Quiboloy!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Nagpatigil daw kasi ng lindol, Vice gustong ipatsugi ang probinsyano kay Quiboloy!
Vice

Pamilya Barretto inaapela ring patigilin na kanilang giyera

Mukhang masusubukan ang ‘powers’ ng son of God na Pastor Apollo Quiboloy sa hamon ni Vice Ganda na tsugiin nito Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Nag-trending nga sa social media ang sinabi ng pastor na siya ang nagpatigil  ng lindol sa Mindanao sa isang video na kumalat sa social media.

Kaya naman ang hamon sa kanya ni Vice, si Coco Martin (Cardo Dalisay) ang harapin niya at patigilin ang traffic sa EDSA.

 “Alam mo kung sino ang magiging pinakama­tinding kalaban ni Cardo? Naku, kabahan na si Cardo. Feeling ko si Quiboloy, ‘yung nagpahinto ng lindol. Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Pro­binsyano. Abangan n’yo ‘yan,”  na ikinatawa ng audience ng noontime show ng ABS-CBN.

“Hinahamon kita, Quiboloy. Ipahinto mo na ang Probinsyano. Napahinto mo pala ang lindol eh. Napakayabang n’yo pala eh.

“Sabi niya raw, stop. Sige nga, punta ka ng gitna ng EDSA, stop mo ‘yung traffic doon.”

Nakakaloka.

Leah

Patulan kaya ni Pastor ang hamon ni Vice?

Eh kung subukan din kaya ni Pastor na patigilin sa kanilang giyera ang magkakapatid na Barretto?

Keri rin kaya niya? Hihihi.

Leah persona non-grata, nanghingi ng apology sa retribution

Dineklara nang persona non-grata ang inactive singer na si  Leah Navarro sa General Santos City though pina-finalized pa raw ito ayon sa mga online reports kahapon.

Ito ay matapos siyang mag-comment ng ‘retribution’ tungkol sa nangyaring sunud-sunod na paglindol sa Mindanao. Sumagot si Leah sa tanong ni former Supreme Court spokesman Theodore Te na “What’s with all the earthquakes in Mindanao?”

Ayon sa inilabas na resolution ng City Council ng General Santos City : “She deserves no less the widest and deepest denunciation by the people who suffered from physical and psychological trauma.”

Deleted na ang nasabing tweet ng dating singer at nanghingi na rin siya ng apology : “ I apologized and deleted my tweet, but they just can’t find in their hearts to forgive my one-word reply in the form of a question,” ang kanyang latest tweet. “Now they’ve twisted it into a declaration. Why not help Mindanao instead? Stop wasting time on me, I’m not a victim,” dagdag ng dating singer na kilalang critical sa Duterte administration.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with