Paulo
Paulo kinonek ang pagpapaiksi ng buhok sa ex!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - November 6, 2019 - 12:00am

Marami ang naaliw sa tweet ni Paulo Avelino na hindi mo malaman kung seryoso or nagbibiro. Sa malas ay nagpaputol na ng kanyang mahabang buhok ang aktor at ikinumpara niya ito sa isang tao.

“Nakakalungkot pala pag bigla mong pinutol buhok mo na matagal mong pinahaba. Parang nung time na pinutol niya pakikipag-usap sa akin,” tweet ni Paulo at sinundan ng crying emoji.

Walang binanggit ang aktor kung sino pero siyempre, you’d assume na babae ito. Pero puwede rin kasing nagbibiro siya since maraming joke ang Kapamilya actor sa kanyang mga tweet.

At nakakaaliw din ang comments ng netizens.

“Waw ghosted HAHAHA,” komento ng isa.

“Bat kasi di mo kausapin ulit! Pwede naman!” sagot naman ng isa.

Tweet naman ng isa pa, “inaano ka ba?”

May nag-comment din na “mas nakakalungkot yun kahit kailan di mo ako pinapansin.”

Ang iba naman ay nagtatanong kung sino ang nanakit at nang-ghost sa kanya.

May mga kumantiyaw din na ang drama raw ni Paulo at feeling nga ng iba ay nagbibiro lang dahil may girlfriend daw ito ngayon.

Pero hindi nagbibiro si Paulo sa pagpapaputol niya ng hair dahil sa kanyang Instagram Story ay may larawan ng buhok niya na naputol.

Mommy Inday nanlilito

Matapos mag-post ni Marjorie Barretto ng lunch date nila ng kanyang inang si Estrella “Inday” Barretto kasama ang kanyang mga anak last Sunday, kinabukasan ay si Claudine Barretto naman ang nag-post ng larawan nila ng kanilang ina.

Sa larawang ipinost ni Claudine ay makikitang kasama rin nila si Gretchen Barretto habang nasa isang restaurant sila.

Sa caption ni Claudine ay sinagot niya ang mga tanong ng netizens kung ano ba talaga ang tunay na IG account ng kanilang ina. Ayon sa aktres ay marami raw talagang account si Mommy Inday.

“FAMILY  @gretchenbarretto @barrettoestrella @barrettoestrellass @estrellabarretto yes she has lots of accounts po,” ang caption ni Claudine.

Matatandaang bago ito ay nag-post si Claudine ng screenshot ng IG Story ng user name na @barrettoestrella na aniya ay account ng ina na inaaming siya ang “Inday” na tinutukoy ni Marjorie Barretto na sasapakin nito.

Pero kapag hinanap mo naman ang nasabing account sa IG ay hindi naman ito makita kaya nagtataka ang mga netizens kung ano ba talaga ang IG account ni Mommy Inday.

PAULO AVELINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with