Moira aminadong hindi kayang mag-adjust sa boses ni Regine
Moira

Moira aminadong hindi kayang mag-adjust sa boses ni Regine

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - November 6, 2019 - 12:00am

Hindi na makapaghintay ang fans nina Regine Velaquez-Alcasid at Moira dela Torre sa kanilang pagsasama para sa kanilang collaboration na siyang magiging theme song ng pelikulang Unbreakable nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, at Richard Gutierrez.

Natupad ang pangarap ni Moira na maka-duet si Regine na idol na idol niya. Hindi naman daw na­ging hadlang na magkaiba ang kanilang singing style.

Matatandaan na nagkaroon ng isyu ang dalawa sa Idol Philippines patungkol sa “sound” like na ginagaya ng marami ang style at boses ni Moira.

Aminado si Moira na hindi niya kayang mag-adjust sa boses ni Regine, kaya naman daw ito na ang nag-adjust para sa kanilang kanta.

Thankful si Moira sa experience na ito kasama si Regine.

Samantala, inaabangan na ang Unbreakable na sa unang pagkakataon ay pagsasamahan nina Bea, Angelica at Richard. Iikot ang kuwento sa dalawang magkaibigan na nangakong hindi masisira ninuman, lalung-lalo na ng lalaki. Pero mapaglaro ang tadhana dahil magkakagusto sila sa iisang lalaki.

Masira nga kaya ang kanilang pagkakaibigan? Abangan na lang natin yan.

MOIRA DELA TORRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with