^

Pang Movies

Ice kailangang magdasal!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Ice kailangang magdasal!
Ice

Stress daw si Ice Seguerra, bakit ano ang dahilan? Eh ang ganda naman ng mga nangyayari sa kanyang buhay, sa kanyang showbiz career, lalo na sa kanyang music.

Sino ang makakalimot sa kanta niyang Pagdating ng Panahon at ang lovelife niya with Ms. Liza Diño, na open naman sa madlang people?

Ang maipapayo ko lamang kay Ice ay magdasal siya at mag-seek ng medical help.

Parang ako, very stress ako dahil sa aking sakit na almost 3 months no work, nakahiga lang. Hindi makalakad at muntik pang matigok, pero thank you God, hindi niya ako iniwan.

Noong unang inatake ako, nagsuka ako at dumumi ng blood, itinakbo ako ng ospital. Walang kadatungang malaki, at ang mahal pa sa ospital, pero sa awa ng Diyos, marami akong friends na hindi nakalimot at nagpadala ng tulong.

Andyan sina Robin Padilla, Sen. Bong Revilla, Bayani Agbayani at wife Lenlen, Madam Andeng Ynares, Willie Revillame, Cristy Fermin, Boy Abunda, Sen. Bong Go, PMPC, at marami pang iba. Pero higit sa lahat, nang mabalitaan ni Mother Ricky Reyes ang nangyari sa akin ay ipinasundo ako thru katotong Linda Repadas at sa PGH ako ipinagamot na puro magagaling ang mga doctor.

My doctor is Dr. JM Torres at isa pang lady doctor, at para hindi malayo sa PGH, nanuluyan ako sa Child Haus ni Mother Ricky Reyes with Philan­tropist Sir Hans Sy at family.

Libre lahat, pagkain, gamot at iba pang kailangan ng may sakit na breast cancer, bone marrow, leukemia, TB at iba pa.

God bless you, Sir Hans Sy at Ricky Reyes.

AiAi masaya sa Kapuso

Mas happy daw ngayon si AiAi Delas Alas sa pagiging Kapuso. Wala naman siyang tampo sa Dos o galit. Basta sa Kapuso muna siya dahil yun ang gusto ng puso niya at may balak na sila ng kanyang asawa na si Gerald Sibayan na magkaanak.

Personal…

Sana ay hindi natin nakalimutang ipagdasal ang mga namayapa nating mahal sa buhay sa katatapos lang na Undas.

May they rest in peace.

For the souls of Ernie Pecho, Billy Balbastro, Tony Mortel, Mar Cornes, Mila Parawan, Fely Agmat, Nena Villanueva, Linda Celestial, Emy Abuan, Arthur Quinto, Cesar Pambid, Ruben Marasigan, Alfie Lorenzo, Tita Angge, Eliseo Mendoza, Baby Ocampo, Isah Red, Amalia Fuentes, Tony Mabesa, Bob Castello at iba pang mga yumaong katoto, kapitbahay, kamag-anak

AMEN!

vuukle comment

ICE SEGUERRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with