After kay Janine, Paulo may malaking pelikulang gagawin!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - November 5, 2019 - 12:00am

Kahapon ay nag-look test na sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez para sa pelikulang gagawin nila sa T-Rex Productions, ang If We Don’t Make It.

Bale sa Monday (November 11) na sila magsu-shooting. “Magsu-shooting muna si Paulo, kaya sa November 14 pa siya aalis pa-Italy para sa ASAP Natin ‘To in Rome,” kuwento ni Leo.

Actually, kahit magagaling na artista sina Paulo at Janine, nagkaroon din sila ng ilang workshops para sa nasabing movie project. “Para mas okey na kapag nag-start ng shooting. Mas mabilis,” sey pa ni Leo.

Naku, alam mo ba, Ateng Salve, may nabalitaan ako na kasama rin si Paulo bilang leading lady sa isang big project ng Star Cinema, pero bawal pa yatang i-announce kasi next year pa ang shooting niya.

Jolo at Angelica nasa Amerika na para sa kasal

Nasa Los Angeles, California nga ngayon ang mag-fiancé na sina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Angelica Alita.

Bukod sa inaayos nila roon ang ilang mga detalye ng nalalapit nilang kasal sa Pelican Hill sa Newport Beach on December 15, namamasyal na rin sila.

Ang bongga nga ng picture nila kung saan nag-kiss si Angelica kay Jolo.

Sweet din sila sa picture nila sa Disneyland na ang caption ni Jolo ay, “Happiest place on earth is anywhere with you” dahil ang slogan nga ng lugar na ‘yon ay, “Happiest place on earth.”

Nice!

Lovi mag-isa pa-Abu Dhabi!

Tuloy na tuloy naman ang alis ni Lovi Poe pa-Abu Dhabi, UAE on Wednesday morning.

Bale mag-isa lang siya sa flight dahil ang handler niya ay mauuna na roon kasabay ng mga taga-Bench.

Hanggang November 10 lang daw sa UAE si Lovi dahil sa November 11 ang premiere night ng The Annulment movie nila ni Joem Bascom under Regal Entertainment.

Hindi puwedeng wala si Lovi sa premiere night dahil nakapangako siya sa mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde na babalik para roon.

Actually, happy sina Mother Lily at Roselle sa sobrang sipag ni Lovi na mag-promote ng The Annulment na showing na sa November 13.  

PAULO AVELINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with