Ogie gusto ring mag-direk!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 1, 2019 - 12:00am

Tila nga naiiba ang kuwentong isinalin sa pelikula ni Ogie Diaz na siya rin ang producer, ang Two Love You. Dalawang loves nga, pero ang kuwento niya ang lalaki na ginampanan ni Kid Yambao ay naunang nagkaroon ng relasyon sa isang bading na ginampanan naman ni Lassy Marquez at pagkatapos saka siya na-in love sa isang tunay na babae, si Yen Santos.

Aminado si Ogie na may nakita siyang ganyang pangyayari kaya nagawa niya ang kuwento.

Aminado rin naman siya na pagdating ng araw ay gusto niyang makapag-direk din ng pelikula kaya siya nag-produce, para matutuhan din ang ilan pang trabaho para mabuo ang isang pelikula.

Bilang isang comedian mismo, sinasabi rin niyang siya ang namili ng mga komedyanteng kasama sa kanyang pelikula. Mga nakasama niya sa comedy bar noon pang araw ang mga napili niya dahil sa tingin daw niya sila ang pinakamahuhusay na sa totoo lang maski siya ay natatawa pa sa mga pakulo ng mga iyon. Kung sabihin nga pinaka-mahirap patawanin ang isang comedian, pero kung mapapatawa mo sila, aba eh magaling ka nga.

Aminado rin naman siyang hindi siya isang malaking producer. Kasama niyang producer ng pelikula ang director noong si Benedict Mique at ang Viva Films. “Kung alam ninyo lang kung papaano ko tinawad-tawaran ang talent fee ng mga artista ko. Alam ko ang talent fee nila pero tumawad ako dahil first time ko naman at hindi naman ako malaking producer,” pag-amin niya.

Si Ogie, matagal na naming kilala iyan, alam namin kung papaano siya magsikap at ang kanyang malakas na determinasyon. Sana lang magtagumpay naman ang kanyang unang project.

Sa ngayon wala naman siyang hinahabol kundi makapagpatawa lang, makapagbigay ng kasiyahan at kumita kahit na kaunti.

Magandang simula na iyon.

James nagpaka-normal sa pag-ayaw sa ingay ng pamilya ni Julia

Natawa kami doon sa diretsang pagsasabi ni James Reid na hindi siya payag na tumambal kay Julia Barretto, dahil “there is too much noise”.

Payag siyang tumambal kay Liza Soberano, kay Kathryn Bernardo at kahit na sino yata, huwag lang kay Julia. Tiyak iyan iba-bash na naman nila si James dahil sa sinabing iyan, pero sinabi lang niya kung ano ang nararamdaman niya. Palagay rin naman namin hindi mo masisisi si James. Nakita kasi niya na dahil sa kaguluhan ng pamilya ng mga Barretto, si Julia ang naging casualty at mahirap dalhin iyan. Nasira na nang husto.

Sigurado kami, hindi lang si James ang nag-iisip nang ganyan. Maraming iba pa na maaaring umiwas kung di man tumangging makasama sa pelikula si Julia. Hindi ninyo sila masisisi.

Aktor suki noon ng sementeryo

Undas kasi kaya ang usapan ay puro tungkol sa sementeryo. Natawa nga kami sa isang blind item. Ang sabi, sino ang male star na noong araw na hindi pa artista ay may ginagawang milagro sa isang sementeryo na malapit lang sa bahay nila noon? Iyon pala ang tinutukoy nilang male star ay medyo sikat din naman. May pamilya na ngayon ang male star at siguradong matino na nga.

Pero noong araw pala, kasi hindi naman talaga sila mayaman.

Nabarkada siguro sa iba pang mga kabataan na gumagawa ng “sideline” doon sa sementeryo na malapit sa kanila. Hindi po paglilinis at pagpipinta ng puntod ang kanyang sideline. Mas matindi roon. Pero nakaraan na naman iyon.

OGIE DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with