Mga artistang naiintriga sa droga biglang nanahimik
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - November 1, 2019 - 12:00am

Nanahimik na ang isyu tungkol sa mga artista na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

I’m sure, muling magkakaroon ng kontrobersya tungkol sa mga artista na lulong sa illegal drugs kapag may mga showbiz personality na mahuhuli na bangag o caught in the act na gumagamit.

Nitong mga nagdaang na araw, may mga personalidad na nagbabangayan at nagsasagutan dahil sa war on drugs ng pamahalaan ni President Rodrigo Duterte.

Hindi dapat pinag-aawayan ang war on drugs. Imbes na mag-away, dapat magtulungan ang lahat ng mga involved sa pagpuksa sa illegal drugs.

Kung anuman ang solusyon na puwedeng gawin para mawala ang problema, kahit violent, may mga madadamay at magkakaroon ng collateral damage, go!

Hindi puwede ang malambot na puso para sugpuin ang napakasama na epekto ng droga. Hindi puwede na pushers lang ang matatamaan  at walang madadamay na users.

Hindi dapat kalimutan na walang magtitinda, kung walang bibili. Kapag hinuli ang nagbebenta ng illegal drugs, natural lang na madamay ang mga bumibili.

Violent ang epekto ng drugs sa mga biktima kaya violent din ang gawin para labanan ang problema.

Mapapatawad pa siguro kung bata at wala pang sapat na isip ang drug pero kung mga lolo, ama, ina na maraming anak ang addict sa mga bawal na gamot, hindi na puwede ang pa-bebe na approach.

Kailangan ang tapang. Magbasa lang tayo ng mga newspaper, manood sa TV at makinig sa radyo, malalaman na natin ang mga nakapanghihina na krimen na ginagawa ng mga drug addict.

Dapat ipakita sa mga lulong sa drugs ang tapang ng mga opisyal at tauhan ng Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency at ng ibang mga ahensya ng pamahalaan.

Christopher parang bampira

Belated happy birthday kay Christopher de Leon. Kahapon, October 31, ang 63rd birthday ni Boyet na hindi tumatanda ang itsura kaya idol ng maraming kalalakihan.

Bampira ang tawag sa mga katulad ni Boyet na parang na-discover ang fountain of youth dahil hindi nagkakaedad ang itsura. Pareho sila ni Edu Manzano na maalaga sa katawan kaya puwedeng-puwedeng makipagsabayan sa younger actors.

Good health at more projects ang mga birthday wish ko kay Boyet na may raket sa US, ang concert nila nina Tirso Cruz III at Edgar Mortiz.

Timeless Through the Years ang title ng concert ng tatlo at mangyayari ito sa November 16 sa Crown Plaza, Union City, California.

Excited na ang mga kababayan natin sa Amerika na mapanood na magkakasama sa isang show ang matinee idols noong kapanahunan nila.

Julia marami raw gagawin sa Kapamilya

Magaganda raw ang mga plano ng ABS-CBN para kay Julia Barretto matapos na masangkot ito sa mga kontrobersya.

Isa lang ang ibig sabihin nito, buong-buo ang tiwala kay Julia ng mother studio niya kaya may mga proyekto na nakalinya para sa kanya.

CHRISTOPHER DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with