^

Pang Movies

Viral beki na sina Lala at MJ mapapanood sa MPK

Pang-masa
Viral beki na sina Lala at MJ mapapanood sa MPK

MANILA, Philippines — Ngayon darating na Sabado tunghayan sa Magpakailanman (MPK) ang viral beki prinsesitas ng Navotas na sina Lala at MJ. Binansagang Baklash dahil sa mga makabaling-buto nang kanilang pagsasayaw. Umani ito ng mahigit sa 5 million views sa social media.

‘Di sila tanggap ng kanilang mga magulang dahil sa bakla na sila sa murang edad na 11 at 13 years old pero pinatunayan nila na kahit mahirap lamang sila Lala at MJ ay nais nilang mai-ahon sa kahirapan ang kanilang pamilya.

Noong 2018, itinayo nila MJ at Lala ang Barbitch sa tulong ng kanilang nanay-nanayan na si Dhang ito ay isang samahan ng mga batang bading mula 11 years old hanggang 16 years old. Layunin nila na iparating sa mga tao na ang mga bakla ay hindi salot sa lipunan bagkus ay nagbibigay saya at magandang asal sa lipunan.

Ang Baklash: The Two Viral Prinsesitas showdown ay mapapa­nuod na ngayong Sabado November 2, 2019.

Pinangungunahan nina Jay Manalo as Jimmy, Epy Quizon as Maynardo, Lovely Rivero as Lorrie, Candy Pangilinan as Marielle, Orlando Sol as Michael, Tess Bomb as Host, Rob Moya as Danilo, Carlo Cannu as Dang, Marinella Alexa Sevidal as Venus, MJ as himself and Lala as himself.

Idinirehe ni Jorron Monroy, sa panulat ni Jessie Villabrille at pananaliksik ni Gelox Launo.

MAGPAKAILANMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with