^

Pang Movies

Ogie hindi na pinakikialaman sina Liza at Enrique

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ogie hindi na pinakikialaman sina Liza at Enrique
Liza Soberano

Dahil 21 years old na si Liza Soberano, ayon sa manager niyang si Ogie Diaz ay hindi na raw siya talaga nakikialam sa lovelife nito at kung hihingin lang ang opinyon niya, that’s the time na eentra siya.

Kaya lang naman daw niya pinagbabawalan noon si Liza na magkaroon ng boyfriend ay dahil wala itong 18 years old.

Ang sabi raw niya noon kay Liza ay kailangang magkaroon muna ito ng bahay at dalawang kotse bago ito makipag-relasyon.

“Kasi, nagsimula namang walang-walang si Liza. Sa akin pa talaga humihiram ‘yan. Umabot na nga ‘yan ng kalahating milyon ang utang sa akin,” kuwento ni Ogie nang makatsikahan namin kahapon sa presscon ng kanyang iprinodyus na movie, ang Two Love You.

Hinulug-hulugan nga raw ni Liza at ng pamilya nito ang perang inutang sa kanya kaya naman nakakatuwang makita ang tagumpay na tinatamasa ngayon ng dalaga.

Ayon kay Ogie, responsible raw na bata si Liza kahit noon pa man. Kaya ngayon ay hindi raw siya nakikialam sa personal life nito unless hingan siya ng opinyon.

Boto naman daw siya sa boyfriend ni Liza na si Enrique Gil at matino naman daw talaga.

“In fairness kay Enrique, wala naman akong nababalitang sume-segue siya (sa ibang babae). Kasi kung meron, itsitsika ko kay Liza, ‘di ba?”

Pero nirerespeto naman siya ni Quen?

“Oo naman,” sey niya. “Saka, in fairness kay Quen, magalang. Saka lagi silang magkasama ni Liza, so alam mong walang kagaguhan. Kasi, kung may kagaguhan ‘yan, maraming alibi ‘yan, eh.”

When asked kung halimbawa bang gusto na ni Liza na mag-asawa ay papayag ba siya, ani Ogie ay na sa aktres daw ‘yan.

“Nasa kanya nga ‘yun, eh. Sasabihin ko lang naman sa kanya, ‘anak, handa ka na ba, emotionally? Kung handa ka na, you go ahead with your plans kasi that makes you happy, eh. Go! Pero ito lang anak ang puwedeng mawala sa ‘yo ha pag ginawa mo ‘yan. Puwedeng mabawasan ang endorsement mo, puwedeng ‘yung isang endorsement, ayaw na, kasi nag-asawa ka na. ‘Yan ‘yung mga mawawala sa ‘yo. Kung okay lang sa ‘yo ‘yan, anak, go!’” ang pahayag ng talent manager.

Samantala, ang Two Love You ay pinagbibidahan ng komedyanteng si Lassy Marquez kasama sina Yen Santos, Hashtag Kid Yambao, MC Calaquian at marami pang iba. The movie opens in cinemas on Nov. 13 directed by Benedict Mique, produced by OgieD Productions and Lonewolf Films and released by Viva Films.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with