Carmelle, Cyd, at Vanjoss, laban-laban sa The Voice Kids Finals
(Pang-masa) - October 31, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong batang taglay ang mga higanteng boses ang itatayo ang bandera ng mga team nina coach Lea Salonga, Bamboo at Sarah Geronimo sa pagsasalpukan nila ngayong weekend (Nobyembre 2 at 3) sa The Voice Kids: the Finals, kung saan tanging boto ng mga manonood ang pipili ng mananalo.

Handa na ang entablado kina Cyd Pangca ng FamiLea, Carmelle Collado ng Kamp Kawayan, at Vanjoss Bayaban ng Team Sarah, ang final three young artists na maglalaban-laban para sa titulong pinakabago at ikaapat na grand champion ng kumpetisyon.

Baon ang mga karanasang nagpatibay sa kanya, ipaglalaban ni Cyd, 11, mula Bukidnon ang kanyang pangarap na patunayan ang sarili. Isang multi-ta-lented at passionate na vocalist, nagbabalik si Cyd sa “The Voice Kids” bilang three-chair turner noong blind auditions matapos ma-bully noong nakaraang season dahil hindi siya nakalagpas ng battle rounds.

Inaalay naman ni Carmelle, 11, ng Camarines Sur ang kanyang performance sa finals para sa pamilya niya ng mga mang-aawit, lalo na sa kanyang lola na minsan nang naging kontesera kagaya niya. Gumawa si Carmelle ng marka sa season na ito para sa kanyang mga eksplosibong bersyon ng mga awitin ng mga sikat na foreign at local diva.

Laban naman para sa kinabukasan ng kanyang pamilya ang inspirasyon ni Vanjoss, 12, ng Pangasinan para makuha ang kampeonato. Matapos mapaikot ang tatlong coaches sa audition, nakatuon ang atensyon ng batang balladeer sa tagumpay para sa pangarap na mapauwi ang inang domestic helper mula sa Hong Kong. 

THE VOICE KIDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with