Kris
Kris nanguna sa pagpapadala ng regalo
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 30, 2019 - 12:00am

Naku Salve, bongga ang Kris Aquino, nagpadala na agad ng Christmas gift dahil aalis pala silang tatlo ng anak niyang sila Bimby at Joshua para sa short vacation ngayong Kapaskuhan.

‘Kaloka dahil for health lahat ng gifts niya dahil nga yata sa naging sickly siya, gusto niya lahat ng tao ma­ging healthy.

Iyon isa sa napansin ko kay Kris, iyon appreciation niya at pay forward manner sa mga taong gusto niya. She make them feel special during important days like birthday, Christmas, anniversary.

At sa gitna ng physical condition niya nagagawa niya pang magpadala ng little something for her friends. Thank you Kris, for my Himalayan Salt lamp and gem water jug, but missing my S&R GC, hah hah joke na totoo. Merry Pasko!

Katrina excited sa bagong anak ni Kris

I’m sure, hindi isyu kay Katrina Halili ang pagkakaroon ng baby boy ng kanyang ex-boyfriend na si Kris Lawrence dahil nagsalita siya noon na hindi na sila magkakabalikan, sa kabila ng pagkakaroon nila ng anak, si Katie.

Lyric Lawrence ang name ng bagong silang na baby boy ni Kris at ng unidentified girlfriend niya na walang kinalaman sa showbiz.

Nang magbuntis ang kanyang girlfriend, hindi naglihim si Kris kay Katrina. Ipinagtapat niya agad kay Katrina na magkakaroon na ng kapatid ang kanilang anak.

Hindi naman daw nagalit si Katrina dahil natuwa pa ito at excited nang malaman na magkakaroon na ng kapatid si Katie.

Ang reaksyon ni Katrina ang patunay na kahit naghiwalay sila ni Kris, maganda pa rin ang kanilang relasyon bilang magkaibigan at importante ito para sa anak nila.

Love na lang para sa isang kaibigan ang napi-feel ni Katrina para kay Kris.

AiAi target si Derek!

Type ni AiAi Delas Alas na makatrabaho si Derek Ramsay sa isang teleserye ng GMA 7 at isa ito sa kanyang mga dream sa muling pagpirma niya kahapon ng exclusive contract sa Kapuso Network.

Gusto rin ni AiAi na makasama sa isang television show si Jennylyn Mercado na co-star niya sa 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, ang official entry ni Coco Martin sa 45th Metro Manila Film Festival.

Mabait na katrabaho at walang karekla-reklamo sa katawan ang mga papuri ni AiAi kay Jennylyn na love interest ni Coco sa 3Pol Trobol.

Bagung-bago naman ang kanyang role bilang ina ni Coco sa filmfest movie nito ang sabi  ni AiAi tungkol sa karakter na gina­gampanan niya.

KRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with