^

Pang Movies

Playboy din Nash parang si Gerald?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Playboy din Nash parang si Gerald?!
Nash

Dahil sa mainit ang issue ngayon kina Ale­xa Ilacad at Nash Aguas, kinalkal ng ibang netizens ang lumang interview ng young actor sa Tonight With Boy Abunda noong mga panahong magka-loveteam pa sila.

Taong 2017 ang date ng video kung saan ay tinatanong ng host na si Boy Abunda si Nash kung mahal nito si Alexa.

Sagot ni Nash, “oo naman po. Dati pa, simula pa nang bata kami.”

Kaya naloloka ang mga fans ni Alexa dahil ito ang katibayan na hindi talaga consistent sa kanyang mga sinasabi si Nash dahil ganito rin ang linya niya sa girlfriend niya ngayon na si Mika dela Cruz.

May nagkomento tuloy fan na parang another Gerald Anderson daw si Nash sa pagiging playboy.

Anyway, mas maganda siguro kung magsasalita si Nash once and for all para matapos na ang isyung ito.

Kpop addicts relate much kay Arci

Naikwento na noon pa sa amin ni Arci Muñoz nang makapanayam namin siya last August na nanalo raw siya ng ticket sa concert ng BTS sa South Korea, ang Love Yourself: Speak Yourself The Final na ginanap noong Oct. 26, 27 and 29.

Sa first night nanood si Arci at ipinost niya sa kanyang Instagram account ang kanyang experience. Kitang-kita mo naman talaga sa aktres ang labis na kasiyahan at makikita rin sa video na ipinost niya na napaiyak pa siya dahil sa sobrang happiness at sadness na rin siguro dahil last concert na ito ng boy group before taking a temporary break.

Makikita rin sa kanyang post na nagpunta siya sa House of BTS (pop-up store kung saan ay pwede kang makabili ng mga merchandise ng boy group at anything related sa grupo ay makikita rin doon) located in Gangnam.

Ayon sa caption ni Arci, 5:30am pa lang ay naroroon na sila at naghintay sila ng 5 hours para magbukas ang store.

Well, happy naman kami for Arci at parang napi-feel nga rin namin ang happiness niya. Relate much kami talaga sa kanya sa parteng ito.

Ruru hindi napormahan si Jasmine

Kahit pa aminado si Ruru Madrid na showbiz crush niya si Jasmine Curtis, ayon sa aktres ay hindi naman daw ito nagparamdam sa kanya habang ginagawa nila ang pelikulang Cara X Jagger.

“Although, sobrang maalaga lang talaga siya. Kunyari, ‘yung mga eksenang ganito, naka-high heels ang mga babae, kung maglalakad ng malayo, aalalayan niya kami or ako kung ako lang ang kaeksena.

“Gentleman siya. He really wants to make sure na ‘yung mga babae sa set, eh naalagaan,” kwento ni Jasmine.

Pero ganu’n lang daw naman at wala namang “pormahan” na nangyari. “Safe kami sa isa’t isa. As much as possible, ayaw niya rin na may maapakan or masagasa kung anon’g meron ako kasi alam niya rin kung gaano rin ako ka-in-love,” sabi pa ni Jasmine.

vuukle comment

NASH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with