^

Pang Movies

Atong Ang hindi na dapat nakikisawsaw!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Atong Ang hindi na dapat nakikisawsaw!
Atong Ang h

Salamat sa Diyos at medyo natahimik na ang malabigang bunganga ng Barretto ladies na sina Gretchen, Marjorie at Claudine.

Nakakaumay na kasi, sabi ng katotong si Jun Lalin. Pero itong si Atong Ang, ayaw ding paawat. Nakikisawsaw pa sa awayan ng tatlong magkakapatid na babae.

Nagpa-interview pa kay Kabayan Noli de Castro. Feeling pogi pa. Dapat shut your mouth na lang, away babae ‘yan.

Julia sa Diyos kumakapit

Para naman kay Julia Barretto, dapat pa rin siyang gumalang at rumespeto sa tatay niyang aktor-komedyante na si Dennis Padilla, pati na rin sa kanyang lola na si Inday Barretto.

Maraming pinagdaraanan ngayon ang young actress, pero hindi raw siya bibitaw kay Lord Jesus. Lalo pa’t mayroon siyang digital series sa iWant na at I am U mula sa direksyon nina Percy Intalan at Jun Lana.

Showtime naka-isang dekada na

Happy 10th anniversary It’s Showtime na almost 10 years ko na palang napapanood ang said noontime show at halos puro magaganda ang mga napanood namin.

Congratulations Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ryan Bang, Anne Curtis, at iba pa.

Samantala, hataw naman sa ratings ang bagong serye ngayon ng GMA-7 na Magkaagaw na pinagbibidahan nina Arra San Agustin at Jeric Gonzales. May mga maseselang eksena raw dito na gagawin sina Jeric at Sheryl Cruz. Abangan natin yan!

Maligayang kaarawan…

Belated happy birthday Ramon “Meng” Coquia, Annabelle Rama, ang babaeng look a like ni Madam Janette Chua, isa sa staff ni Mother Ricky Reyes at Sir Hans Sy, Madam Daydee, Madam Rachel, Dr. Rosario, Super Loyal at iba pang mga staff ng Foundation na Child Haus.

A million thanks Mother Ricky Reyes.

Salamat po, Mayora Andeng Ynares, you’re an angel to people who needs your help, Lenlen at Bayani Agbayani, Nitz Miralles. At sa lahat ng mga nagsu-support sa akin sa pagkakasakit.

Balik-ospital sa Child Haus ngayong Sunday. Hindi pa tapos ang treatment ko at operasyon ng mata. God bless din to ATM Ladies Maan Zamora at Jas Samonte.

vuukle comment

ATONG ANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with