Julie Anne
Julie Anne hindi pa tanggap ang ginawa ni Benjamin!
PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - October 30, 2019 - 12:00am

Nakakabilib ang ginawang collaboration nina Julie Anne San Jose at Rico Blano sa kantang Isang Gabi na talaga namang inabangan ng kanilang mga tagahanga.

Pagkatapos manalo ang album ni Julie Anne na Breakthrough sa Awit Awards bilang Favorite Album of the Year at ang kanta nitong Down for Me, dagsa pa rin ang mga project na dumarating sa dalaga.

Sa ngayon busy siya sa pagiging host ng The Clash season 2 kung saan ka-tandem niya ang Kapuso actor na si Rayver Cruz.

Samantala, hinihintay ng lahat na marinig muli ang boses ni Rico pero nabigo ang mga ito dahil paglalapat lang pala ng music ang kanyang pinaka-collab sa kanta ni Julie Anne.

Si Rico ay dating vocalist ng bandang Rivermaya na siyang nagpasikat ng mga kantang hanggang ngayon ay sikat pa rin, tulad ng 214, Kisapmata, Elesi, Hinahanap-hanap Kita at marami pang iba.

Hindi na masyadong lumalabas ngayon sa TV at mas nagpo-focus na lamang sa paggawa ng magagandang awitin si Rico.

Si Julie Anne naman ay mas lalong gumaganda. Kapansin-pansin ang kanyang pagpapaseksi nang mahiwalay sa dating boyfriend na si Benjamin Alves. Ngayon ay may bago nang kasintahan ang huli at ayon kay Julie Anne ay ayaw niya munang matanong tungkol dito. Ni hindi pa rin daw siya handang makita ito o makatrabaho.

JULIE ANNE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with