^
BiGuel fans suko na!
BiGuel

BiGuel fans suko na!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - October 29, 2019 - 12:00am

Sinukuan na ba ng BiGuel fans ang kanilang idolo na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix?

Mukha kasing nawalan na ng pag-asa ang BiGuel fans na muling magkabalikan ang dalawa at tila hindi na sila masyadong excited sa pagsasama ng dalawa sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

May ibang grupo na ng fans na pinu-push na itambal sina Bianca at Migo Adecer. Ang tawag sa kanila ay JorSah or Jordan at Sahaya na galing sa teleserye na Sahaya.

Mas fresh daw silang tingnan ngayong dalawa dahil na rin sa pagka-hunk ngayon ni Migo na bagay sa alindog ni Bianca.

Di namin masisi ang BiGuel fans kung medyo nanlamig na sila kina Bianca at Miguel dahil ‘di na sila nakikitang magkasama. Idagdag pa na nali-link romantically si Bianca kay Ruru Madrid na ‘di nagugustuhan ng ibang fans.

Si Miguel naman ay parating solo flight at open na raw siyang makatrabaho ang ibang Kapuso actresses ngayon.

Sayang naman kung ganito ang kahihinatnan ng BiGuel loveteam na isa pa naman sa top loveteams sa telebisyon.

Sana ay magawan pa ng remedyo dahil marami pa rin ang umaasa na magkakatuluyan ang dalawa.

 Masuwerte ang girlfriend ni Kapuso actor Rocco Nacino na si Melissa Gohing. Hindi nabigong sorpresahin ni Rocco ang kanyang girlfriend noong nakaraang birthday nito noong October 22.

Kinuwento ni Rocco ang naging special celebration nila ni Melissa:  “Pareho kaming naging busy ni Melissa. Alam ko na malapit na yung birthday niya and inunahan ko na siya na baka hindi kami makapag-celebrate on her birthday.

“Melissa understood the situation. Kasi siya rin daw, baka maging working birthday din. May mga volleyball leagues din siyang pinagkakaabalahan.

“But thank God, na-pack-up yung taping ng DOTS noong araw ng birthday ni Melissa. Kaya we wasted no time na mag-celebrate.

“We went out of town and had a secret romantic getaway.”

Miss Millennial 2019 tinanggalan ng korona ng Aliwan...

Controversial beauty queen from Cebu pala ang nanalong Miss Millennial 2019 ng Eat Bulaga na si Nicole Borromeo.

Na-dethrone pala ito kelan lang bilang Reyna ng Aliwan 2019 dahil may nilabag sila ng kanyang manager sa kontrata na pinirmahan nila.

Ang naging dahilan ng pagkaka-dethrone ni Nicole ay dahil sa pagsali nito agad ng Miss Teen Philippines 2019 pagkatapos nitong manalo bilang Reyna Ng Aliwan.

Nasa kontrata pala na pinirmihan ni Nicole at ng kanyang manager na habang reigning title holder ito ng Reyna Ng Aliwan, hindi ito dapat sasali sa anumang beauty contests.

Anyway na-vindicate naman si Nicole sa pagkapanalo niya bilang Miss Millennial 2019.

Ang napanalunang premyo ni Nicole ay brand new car, house and lot, at P500,000. Napanalunan din ni Nicole ang special award na Miss Philippine Airlines na siyang magbibigay sa kanya ng free round trip tickets saan man sa Pilipinas.

BIANCA UMALI MIGUEL TANFELIX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with