^
Marian at dating manager, nagkaayos na!
Popoy at Marian

Marian at dating manager, nagkaayos na!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - October 26, 2019 - 12:00am

Time heals all wounds.

Marami ngang natuwa sa naganap na reconciliation sa pagitan nina Marian Rivera at dating talent manager niyang si Popoy Caritativo.

Kahapon ay nag-post si Popoy ng photo nila ni Marian na magkasama at may caption na “When the time is right, I, the Lord, will make it happen. -Isaiah 60:22.”

Maya-maya ay nag-post na rin si Marian : “Happy to see you, my momsie ?? Mahal kita mula noon, hanggang ngayon. @popoycaritativo ♥.”

Kasama pa niyang nakipagkita sa dating manager ang anak na sina Zia and Ziggy.

Ilang taon din silang hindi nag-usap matapos maghiwalay ng landas noong 2013. Seven years ang naging pagsasama nila bilang manager-talent relationship bago ang nasabing hiwalayan. Kay Mr. Tony Tuviera ng Triple A lumipat ng management si Marian.

Nag-uumpisa pa lang noon si Marian ay sa Bambbi Fuentes Salon na namin siya nakikita. 

Hindi noon idinetalye ni Marian kung bakit sila naghiwalay ni Popoy. Pero naalala kong idinaan noon ni Marian ang pakikipaghiwalay kay Popoy.

Pero walang naging batuhan ng masasakit na salita sa pagitan nila. In fact, sinabi noon ni Marian na super grateful siya sa nagawa ng talent manager sa career niya at hindi niya malilimutan kahit kailan.

Though ang lahat ng alaga noon ni Popoy sa pangunguna ni Dennis Trillo ay hindi puwedeng makatrabaho ni YanYan.

Pero sabi nga that’s water under the bridge now.

In God’s perfect time, naayos talaga lahat ng bagay.

Sana nga ganito rin ang kahinatnan ng magkakapatid na Barretto – Gretchen, Marjorie and Claudine matapos ang matinding batuhan ng trashy accusations.

Baka nga sa tamang panahon, magkakasundu-sundo rin sila at babalik sa normal ang mga buhay nila.

MARIAN RIVERA POPOY CARITATIVO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with