Claudine pinanindigang walang relasyon sina Gretchen at Atong
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - October 24, 2019 - 12:00am

Kahit may nagkalat na picture

Parang nakakagulo na ng buhay ang awayan ng magkakapatid na Barretto.

Hahaha.

Ewan ko ba naman kung bakit kailangang sa social media at TV pa sila mag-away.

Wala na bang puwedeng pumigil sa kanila?

Matapos ang mga akusasyon ni Gretchen tungkol kay Marjorie, Nicole, ex-Mayor Recom Echiverri, Atong Ang na sinagot din ni Marjorie, si Claudine naman ang nagpa-interview sa programa ng mga kaibigang sina Jobert Sucaldito and Ambet Nabus sa DZMM.

Kasama sa sinagot niya ang diumano’y pananakit sa kanya ng mag-inang Marjorie and Julia.

 “Dinuro niya ako sa ulo. Ayun, sinampal ko siya talaga. Nagsabunutan kami.

“Hindi sa nambabastos ako sa mas nakakatanda sa akin, pero huwag mong gawin yan sa akin lalo na’t pag nandun ang mga anak ko. Ayokong makita ng mga anak ko na okay lang na mambastos ng kahit na bastusin ka at saktan ka na ganyan,” bahagi ng statement ni Claudine tungkol sa nangyaring sakitan nila ng kapatid na nanay ni Julia sa burol ng ama.

 “Ang masakit sa akin, parang alam mo na parang anak mo sinasaktan ka.

“It’s painful na you laid your hand on the person who you call ‘mama’. It’s painful.

“Ayoko na sanang ilabas to. Tahimik na ako especially for Julia. Because whatever people will say, my heart breaks pag nasasaktan siya. Kaya nasasaktan na rin ako eh. Parang akong nanay na nagtatampo, nagagalit,” sabi niya tungkol sa pamangkin.

Na hindi raw nakayanan ng kanyang inang si Mrs. Inday : “She fainted, sabi niya tigilan n’yo na ang anak ko, mag-isa lang siya sa buhay.”

“Bakit mangungutang ako sa kanya. Bakit hindi kay Marjorie, eh okay pa kami nun,” sagot naman niya sa diumano’y pangungutang niya sa dating mayor na karelasyon ni Marjorie.

 “Parang si Edu (Manzano) yan sa buhay namin, adopted son nina Mommy and Daddy.

“Family friend. He’s Nicole’s ex-boyfriend.

“Kaya natsitsismis din kami, kasi ako pa ang nagbabantay nun kay Nicole,” sabi naman ni Claudine tungkol kina Gretchen at Atong Ang na kahapon ay kumalat ang mga photos na sinasabing diumano’y ebidensiya ng kanilang ‘relasyon.’ Kaloka sila.

Anumang sabihin nila, konsensiya nila ang kalaban nila at alam ng tatay nilang namayapa kung sino ang sinungaling.

ATONG ANG GRETCHEN BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with