Ruru Madrid at Jasmine Curtis Smith
Ruru at Jasmine bumagay sa ginawang pelikula!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 24, 2019 - 12:00am

May movie sina Ruru Madrid at Jasmine Curtis Smith na ipalalabas sa mga sinehan sa November 6, ang Cara X Jagger ng APT Entertainment.

Base sa trailer ng pelikula na madalas ipakita sa timeslot ng Eat Bulaga, may chemistry sina Ruru at Jasmine.

Malaking bulas si Ruru kaya kahit bata pa ito, puwede siya na ipareha sa mga aktres na mas matanda sa kanya tulad ni Jasmine.

Mahusay na artista si Jasmine at puwedeng nadala niya si Ruru sa madadrama na eksena ng Cara X Jagger.

Sana naman, maging hit movie ang Cara X Jagger para ma-elevate si Ruru sa kategorya ng top leading men sa local showbiz.

Deserving naman si Ruru na maging leading man dahil sagana siya sa looks at talent. Sobra-sobra rin ang breaks na ibinibigay sa kanya ng GMA-7 kaya inaasahan na magiging top star din siya balang-araw.

Claudine hindi nagpatalo kay Marjorie!

Hindi nagpatalo si Claudine Barretto sa kanyang kapatid na si Marjorie Barretto.

Pagkatapos ng pasabog interview ni Marjorie sa TV Patrol noong Martes, si Claudine naman ang nagsalita via phonepatch interview sa DZMM program nina Jobert Sucaldito at sa Saksi, ang late night news program ng GMA-7.

Ang pagkakaiba lang, mas marami ang nakapanood sa panayam ni Karen Davila kay Marjorie dahil mas maaga ito na umere. Hindi kagaya ng interviews kay Claudine na halos late night na.

Walang bago sa sinabi ni Claudine sa radio at TV interviews sa kanya. Inulit lang niya ang kuwento na nag-away sila ni Marjorie sa second night ng wake sa Heritage Park ng kanilang ama na si Mike Barretto.

Ikinuwento rin ni Claudine na pinagmumura siya ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto na itinanggi naman nito.

Kinumpirma rin ni Claudine ang sinabi ni Marjorie na matagal na naging girlfriend ni Atong Ang ang kanilang pamangkin na si Nicole.

Nakakaloka na inamin ni Claudine ang isang isyu na itinatanggi ni Atong dahil sa statement nito na taga-ayos lang si Nicole ng kanyang mga flight at schedule.

Magkagalit na uli sina Marjorie at Claudine dahil sa pagkampi nito kay Gretchen na nagbabakasyon sa San Francisco, USA.

Knowing Gretchen, baka gustong-gusto na nito na bumalik sa Pilipinas para masagot niya rin sa national television ang mga pasabog ni Marjorie.

Dating Mayor Echiverri hindi na bago sa showbiz

Nag-trending si Marjorie noong Tuesday night dahil sa interview sa kanya ng TV Patrol.

Kahit alam na ng lahat na may relasyon sila ni former Caloocan City Mayor Recom Echiverri, kiyeme-kiyemeng nagulat pa rin ang publiko sa kanyang rebelasyon.

Sa true lang, hindi na bago ang admission ni Marjorie dahil matagal na ang love affair nila ni Echiverri.

Natatandaan ko na nagsalita si Dennis Padilla sa isang presscon na ginanap noon sa Victorino’s. Tahasan na sinabi ni Dennis na hindi siya ang ama ng bunsong anak na babae ni Marjorie. Hanggang doon lang ang statement ni Dennis, hindi siya nagbanggit ng pangalan nang tanungin ng mga reporter kung sino ang tunay na ama ng bata.

Huwag nating asahan si Echiverri na magsalita tungkol sa isyu. Seasoned politician at lawyer si Echiverri. Tiyak na alam niya kung kailan siya dapat magsalita.

JASMINE CURTIS SMITH RURU MADRID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with