Lovi Poe at Joem Bascon
Love scenes nina Lovi at Joem nakakatuyo ng lalamunan!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 24, 2019 - 12:00am

Ibang level ng maturity ang performance nina Lovi Poe at Joem Bascon sa Regal movie na The Annulment.

“It’s just nice na I feel growing together,” pahayag ni Lovi nang makausap namin.

Eh sa pelikula, paiinitin nina Lovi at Joem ang kalamnan ng manonood dahil sobrang init ng laplapan nila na bukang-buka talaga ang bibig, lampungan habang nagsa-shower at hinahalikan pa ni Lovi ang katawan ni Joem, huh!

“Nandoon lang kami nakatayo. Ako naka-bikini, siya nakatayo lang.

“Eh nakailang love scenes na kami at ‘yun ang last love scene. So si Joem nakatalikod, ‘yung shower bumubuhos lang. Nag-aantay lang si direk.

“Tapos, bigla na lang siyang nag-breakdown! Ha! Ha! Ha! Sabi niya, ‘Loviiiii!” chika ni Lovi.

“Ang hirap nito,” sabad ni Joem.

“Pag ginagawa namin, parang nakakailang. Pero pag panoorin mo, wow!” sey pa ng Kapuso actress.

Marami raw silang love scenes kaya sa trailer pa lang ay nakakatuyo na ng lalamunan, huh!

Matteo handa na sa Penduko

Positibo ang komento sa pagpili kay Matteo Guidicelli bilang kapalit ni James Reid sa remake ng pelikulang Pedro Penduko. This time, simpleng Penduko na lang ang title nito, huh!

Excited naman si direk Jason Paul Laxamana na gawin ang fantasy movie base sa nakaraan niyang tweet.

“Thrilled to be working on a reimagining of #PedroPenduko starring @matteoguidicelli.”

Kumpara kay James, batak na batak sa training ang katawan ni Matteo. Eh, pumasa nga siya sa training bilang ranger ng military kaya sisiw lang tiyak sa kanya ang mga action scene, huh!

At least bidang-bida na ang boyfriend ni Sarah Geronimo, huh!

JOEM BASCON LOVI POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with