Claudine, Nicole
Claudine binuko ang ginawa sa kanya ni Julia sa burol!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 24, 2019 - 12:00am

Hindi pinalampas ni Claudine Barretto ang inilabas na television interview ng nakatatanda niyang kapatid na si Marjorie Barretto at tinawag ang statement noon na “dagdag-bawas” dahil sa diumano maraming mga detalye na nawala o binago.

Kasabay noon, hindi rin pinalampas ni Claudine ang kanyang pamangking si Julia Barretto na nagsabi ring hindi siya nakialam sa away ng magkakapatid.

Tuwirang sinabi ni Claudine na siya ay pinagmumura at sinaktan ni Julia. Mayroon daw siyang record mula sa isang medico legal para patunayan iyon. Sinabi rin niyang maraming nakasaksi sa pangyayaring iyon na naganap noong ikalawang gabi na ng burol ng kanilang ama, na siyang dahilan din kung bakit siya isinugod sa ospital.

Pero sinabi ni Claudine na ang physical na pananakit sa kanya ni Julia ay balewala kung ikukumpara niya sa sakit na naramdaman niya, lalo na’t minsan ang tawag sa kanya ni Julia ay “Mama”.

Noon naman kasing panahon ng kasagsagan ng career ni Claudine, at medyo tagilid ang buhay ni Marjorie, si Claudine nga ang sumuporta sa kanilang pamilya, nagpa-aral at practically nag-alaga sa kanyang mga anak, lalo na nga kay Julia.

Kung bakit may panahon na sinabi ring “hinaharang” ni Claudine ang career ni Julia, walang nakakaalam kung bakit.

Tinatanong din ni Claudine, sa dinami-dami ng mga ibang pamangkin nilang naroroon, pati iyong mga lalaki, bakit nga raw ba si Nicole ang kaila­ngang bumitbit kay Gretchen papalayo sa kanila noong unang gabi, na siyang pinagsimulan talaga ng gulo. Noong kasing una, salitaan lamang ang gulo, nagkaroon ng physical na sakitan nang bitbitin nga ni Nicole si Gretchen na gumanti naman sa kanyang pamangkin.

Nicole nakaladkad ang nakaraan

May nagtatanong pa ngayon, sino na ang sumisira kay Nicole na hindi naman celebrity at hindi sana dapat na nadamay sa ganyang iskandalo?

Sa statement ni Atong Ang, sinabi niyang “pinag-aral ko iyan,” pero wala na siyang sinabing iba kung hindi “siya ang nag-aayos ng schedule ko noon. Actually ang nagtrabaho sa akin ang nanay niya.”

Maliwanag sa statement na si Nicole ay pinalalabas na empleyado lang din niya, kagaya ng nanay noon. Kung totoo man ang bintang ni Marjorie at claims din ni Nicole na siya ay “girlfriend” ng negosyante, inililigtas din siya noon sa masamang usapan dahil may boyfriend na siya ngayon at may anak na rin.

Ano ba ang magiging pakiramdam ng boyfriend at tatay ng anak niya kung ipinagduduldulan na ang babaeng karelasyon niya ay naging kabit ng isang mayamang negosyante?

Female star napahiya sa pandedekwat ng tester ng pabango!

Ibang drama naman ang aming narinig. Isang female star, kasama ng iba pang stars ng isang network ang nakumbida sa isang event ng isang mall out of town. Kitang-kita daw ng escort nila, at nakita rin naman sa CCTV na noong magdaan sila sa perfumery section, biglang dinampot ng female star ang isang bote ng mamahaling pabango at inilagay sa kanyang maliit na bag.

Shoplifting iyon kung iisipin, pero hindi siya binastos ng nakakita sa ginawa niya. Noong wala na raw nakakarinig, nilapitan ang female star at sinabing nakita nila ang ginawa niyang shoplifting, nagalit pa umano ang female star at nagbunganga.

 Sinabing ang pabango sa kanyang bag ay sa kanya at dala niya.

Pero may mali ang female star eh, kasi nang ilabas ang bote ng pabango, nakita ang nakadikit, “tester”.

CLAUDINE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with