Gretchen, Marjorie
Marjorie rumesbak kay Gretchen!
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

Wow talagang malabo pang matapos ang giyera sa pamilya Barretto.

Sa exclusive interview ng TV Patrol kay Marjorie Barretto kagabi, bumuwelta ito sa kapatid na halos limang taon na niyang kasamaan ng loob.

Kabilang sa mga pinakawalan niyang sagot ay ang pang-aagaw ni Gretchen Barretto kay Atong Ang sa pamangkin nilang si Nicole at pakikipag-bugbugan nito dito sa burol ng kanilang ama.

Inamin din nitong totoong hindi niya pinagbigyan ang request ni Pres. Duterte na makipag-ayos na sa kanyang ate.

“Sabi ko, ‘Mr. President, I respect you, I love you, I voted for you, sir. Pasensya na po. Hindi po kita mapagbibigyan.

“I could see her face. I could see the insincerity in Gretchen. I know her the most.

“Claudine says, ‘You’re unbelievable!’ Tumi­ngin ako, bunsong kapatid. Diyan nag-start ‘yung bastusan, actually. And then she followed with, ‘How dare you! You just want the attention!’

Na pinalalayas si Nicole sa burol dahil darating si Atong Ang at si Gretchen.

‘Atong Ang huwag mo akong saktan.’

“Tapos siyempre napapahiya siya sa aming lahat, kasi very present si Atong sa lahat ng family gatherings namin in that almost five years, as the boyfriend of Nicole. Napapahiya rin naman si Nicole na papasok silang (Gretchen and Ang) magkasama. Parang sampal na sa pagmumukha niya ‘yon. It was not the place to do that.

“They were claiming na mainit na ulo ko. Hindi lang po ako. ‘Yung pamilya ko po, dahil na-offend kami really about Atong sending our nieces and nephews out of the wake of our father. That’s the tension.

“I wasn’t the one with nervous breakdown. I was sitting quietly with the President on the left side of the chapel, exchanging pleasantries… We ended well, habang si Gretchen nakikipagbugbugan doon. Para klaro sa lahat. Siya ang gumawa ng gulo. Hindi ako. I respect my father.

“It goes to show that Gretchen does not care about the family at all. My father died of acute respiratory failure. He did not have a heart attack.

“House — Gretchen, for more than 25 years, has never invited my parents to her house, any of her mansions and rest houses, not even to their garage. So don’t paint me as the bad daughter, Gretchen.”

“What Gretchen is doing to me is not only to me. She does this to all her friends, all my friends, family, parents, everything. This evilness has to stop.” sabi ni Marjorie pero nag-upload ito ng picture habang nanonood ng interview ni Ms. Karen for TV Patrol sa TFC.

Inamin na rin ni Marjorie na si ex Mayor Recom Echiverri ang tatay ng kanyang bunsong anak at hindi totong minolestiya nito si Claudine.

Mahilig umano sa salitang molestation ang inactive actress (Gretchen) dahil sinasabi nitong minolestiya siya ng kanilang ama.

GRETCHEN BARRETTO MARJORIE BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with