Regine Velasquez
Regine kinatatakutan ng mga kalaban sa C1 Originals!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

Si Regine Velasquez ang pinakamalaking artista sa Cinema One Originals at siya ang bida sa isa sa official entries na Yours Truly, Shirley. Kaya naman ngayon pa lang ay aminado na ang ilang mga artista sa festival na nape-pressure sila when it comes to box-office appeal at pati na rin sa labanan ng Best Actress.

Pero aminado rin naman sila na fans din sila ni Regine at happy sila na makasabayan ang Asia’s Songbird.

“Oo naman po (may pressure),” pag-amin ni Anna Luna na bida sa pelikulang 3:0 sa media launch kahapon ng Cinema One Originals, “dahil napakalaking… big star po talaga si Miss Regine, at lahat kami… kanina, nang pumasok siya sa dressing room, nanginig kaming lahat sa loob, eh,” sabay-tawa.

“Pero masaya po kaming lahat na kasama namin si Miss Regine sa isang festival din po. Sapat na ‘yun,” dagdag pa ni Anna.

Biro naman ni Ricky Davao na isa sa cast ng Metamorphosis, “wala naman akong concert.”

Pero dagdag din ng aktor, “I’m very happy that Miss Regine is acting again. Ako, nami-miss ko na siya on the big screen. It’s been so many years na, ilang years nang hindi ka umaarte? Nami-miss ko na ‘yung with Aga (Muhlach), with Robin (Padilla). So, this is a chance ulit na mapanood siya and thank you for giving your fans, kami, a chance to see you again and kami dito, I think, we’re happy. Sama-sama tayo dito, eh. One big happy family. Good luck to all of us.”

Pakwela naman ni Alessandra de Rossi na bida sa pelikulang Lucid, hindi raw siya nape-pressure.

“I’m not feeling any pressure right now,” sabay-tawa. “Actually, ayoko na ngang pumunta ng presscon nun’g nalaman kong nandito si Regine. Sabi ko, ‘kailangan pa ba ‘ko? Baka kaya na niyang mag-isa,’’ natatawa pang dagdag ni Alex.

Hirit pa ni Alex, hinahamon na lang daw niya sa isang singing showdown si Regine na naroroon din sa audience waiting for her turn at the presscon.

Tawa naman nang tawa si Regine.

Nang ang grupo naman ni Songbird ang umakyat sa stage, natanong siya kung ano ang feelings niya sa mga papuring ibinigay sa kanya ng mga kalabang artista, ayon kay Songbird, basta raw ay masaya siya na nakasama siya sa festival bilang matagal na siyang hindi nakakagawa rin ng movie.

First time ni Regine na gumawa ng indie (independent) film at ito rin daw ang first time niya na makasama sa festival. At hindi rin daw niya ikino-consider na isa siyang aktres. “So, mahirap ilagay ‘yung sarili ko sa karamihan ng magagaling na artista ngayon and I’m very honored to be here.”

Mula sa direksyon ni Nigel Santos, kasama rin ni Regine sa Yours Truly si Dennis Padilla at Rayt Carreon. The movie premieres on Nov. 10, 9:45pm at Trinoma.

Samantala, ang iba pang official entries sa Cinema One Originals ay ang Metamorphosis starring Gold Aceron, Iana Bernardez, Ivan Padilla, Ricky Davao and Yayo Aguila; 3:0 na pinagbibidahan naman nina Jasmine Curtis Smith, Lauren Young and Anna Luna; Sila Sila na pinagbibidahan naman nina Gio Gahoi and Topher Fabregas; Tayo Muna Habang Hindi Tayo nina JC Santos at Jane Oineza at Tia Madre topbilled by Cherie Gil  and Jana Agoncillo.

Cinema One Originals, now on its 15th year, will run from November 7- 17 sa Trinoma, Glorietta, Ayala Manila Bay, Gateway and Powerplant Makati.

REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with