Ruru, Bianca
Bianca at Ruru hindi mapigilan ang pagka-in love
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

Walang nakaawat kina Bianca Umali at Ruru Madrid na dumalo nang magkasama sa 50th birthday celebration ni Rams David, President ng Triple AAA ma­nagement company.

Magkasama sina Ruru at Bianca na pumunta sa ballroom ng Prime Hotel sa Quezon City last Sunday. Hindi na namin nahintay ang pagdating nila pati na ang rumored lovers na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Ayon sa mga nakasaksi, nasa isang sulok lang daw sila ng ball room. Paminsan-minsan daw ay may yakapang nagaganap sa kanila, huh!

Naku, mabuting buwagin na ang loveteam nina Bian­ca at Miguel Tanfelix dahil hindi siya mapigilang idispley sa publiko ang romansahan nila ni Ruru, huh!

Eh sa coming movie ni Ruru na Cara X Jagger, si Jasmine Curtis-Smith ang kapareha niya. Kung si Jas eh kayang rendahan ang sarili para sa promotions ng pelikula, no way it okay Ruru, huh! Gagawin at sasabihin ang gusto niyang gawin at sabihin, huh!

Samantha nawalan ng national costume

Naiwan sa Paris ang national costume na isusuot sana ng panlaban natin sa Miss Grand International sa Vene­zuela na si Samantha Lo. Na-detain siya sa immigration dahil sa umano’y pekeng passport.

Pero nakarating naman siya sa kumpetisyon. ‘Yun nga lang, naiwan niya ang costume niyang ipanlalaban.

Subalit ayon sa report, isinuot ni Samantha ang lumang gown na ginamit sa Bb. Pilipinas pageant. At in fairness naman, bonggang-bongga ang pag­rampa niya sa stage!

‘Yun nga lang, meron pang dapat ipaliwanag ang beauty queen sa pagbalik niya sa bansa matapos maglabas ng statement ang Bb. Pilipinas Charities. Inc na kinontra ang post sa social media account niya, huh!

BIANCA UMALI RURU MADRID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with