Vilma
Ate Vi takot sumemplang sa takilya ang pelikula
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

“Mabuti pa si Pacman (Manny Pacquiao). Kung iisipin mo senador iyan. Nagbo-boxing pa iyan. Ngayon gumagawa pa ng dalawang pelikula nang sabay. Sana naman makagawa rin si Ate Vi kahit na isa,” sabi sa amin ng isang fan sa kanyang ipinadalang e-mail.

Tapos na nga naman halos ang taon, at maliwanag na hindi na mangyayari iyong sinasabi ni Ate Vi na baka makakagawa siya kahit na isang pelikula lamang bago matapos ang taong ito.

“Talagang gusto ko. Nami-miss ko na rin namang ma­ging artista pero hindi ka basta gagawa ng pelikula. Maraming considerations na kailangan kong isipin. Hindi naman siguro pagmamalaking masasabi pero kailangan bigyan ko rin naman ng pagpapahalaga kung ano na ang inabot ko bilang isang aktres. Kung naging ordinaryong artista lang ako na walang ibang kailangang isipin, o sabihing bata pa ako na magkamali man ng career moves ay makakabawi pa, maski kailan makakagawa ako ng pelikula.

“Hindi naman lahat ng pelikulang ginawa ko magaganda. Hindi ba may panahon pa ngang lahat natatawa noong gawin iyong Vilma and the Beep Beep Minica. Kahit na kumita ‘yun, ang tinatanong nila sa akin, bakit mo naman ginawa iyon?

“Pero bata pa ako noon eh, kaya kong bawiin iyon. Basta dumating ka na sa ganitong panahon, hindi mo masasabing pagka nagkamali ka makakabawi ka pa eh.

“Halimbawa makagawa ka ng pelikulang hindi nagustuhan ng tao? Kahit na sabihin ng fans na susuporta sila, alam ko naman nandyan sila, pero naniniwala ako na walang pelikulang magiging malaking hit talaga kung fans lang ang manonood. Kailangan gusto rin ng publiko. Eh kung magkamali ka ano? Tatawagin kang flop queen, nakakahiya na iyon para sa akin.

“Isa pa, iyong senador na alam ko iyan dahil senador ang asawa ko, nag-iisip sila ng mga batas na makabubuti sa buong bansa. Nag-iisip lang sila eh. Hindi kagaya ng congressman, kailangan mong isipin una iyong kailangan ng constituents mo, na pakikinabangan din ng buong bansa. Papaano mo gagawin iyan? Kailangan makipag-usap ka sa mga tao. Kaya nga minsan sinasabi ko kay Ralph, mas mahirap ang trabaho namin kesa sa inyo.

“Kaya ang masasabi ko iyon lang. Darating din tayo roon na makakagawa tayo ng pelikula. Maghintay lang sila kung kaya pa, dahil ayoko ring magkamali para sa kanila,” sabi ni Ate Vi.

Ano pa nga ba ang sasabihin mo sa ganyang paliwanag?

Nadine tanggap na ang ‘hiwalayan’ nila ni James

Tanggap na raw ni Nadine Lustre na hiwalay na ang career nila ng kanyang live-in partner na si James Reid.

Tanggap na rin ba nilang dalawa na iyon ang posibleng katapusan na rin ng kanilang career?

Nag-click lang si Nadine noong itambal kay James. Marami na siyang nagawa noon pero hindi napansin. Kahit naman si James, matagal na walang career, nag-click lang sila ni Nadine. Noong si Nadine itinambal sa iba, hindi rin naman kumita ulit ang pelikula. Iyang si James na may ginagawa ngayon na iba ang partner, baka maghihilahod din  ang project na iyan.

Sino pa ba ang maniniwala kung may iba silang partners, eh inamin na nilang live in sila? Iba ang i-partner mo sa mga iyan, sino pa ba ang gaganahan?

Ang mali riyan inamin pa nilang magka-live-in na sila. Iyon ang dapat na hindi nangyari dahil nang aminin nila iyon, tinuldukan na nila ang pag-usad ng kanilang career. Akala kasi nila walang mangyayaring magkakahiwalay sila eh.

Noong lumayas si James sa Viva, isasalba pa ba nila ang career niya? Natural hindi na, eh may kontrata pa sa kanila si Nadine.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with