Jed
Annabelle biglang naging faney ni Jed
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - October 23, 2019 - 12:00am

Hangang-hanga si Annabelle Rama kay Jed Madela nang um-attend siya ng state dinner sa Malacañang Palace noong Friday.

Si Jed daw ang tanging kumanta sa event na ‘yon.

Sabi ni Bisaya, gusto niyang mag-guest sa Valentine dinner show na ipo-produce niya si Jed.

“Ang galing niya. Gustung-gusto ko ‘yung two songs na kinanta niya,” sey ni Bisaya.

Assunta balik-BG

Dapat ay may taping si Assunta de Rossi noong Monday for Bubble Gang, pero ni-reschedule ‘yon for next Monday.

Wala raw kasi sa taping si Michael V. noong Monday dahil namatay nga ang tatay nitong si Mr. Cesar Bunagan.

Eh, ang concept kasi ng guesting ni Assunta (pati ang naging guesting doon ng ibang mga naging mainstay) sa Bubble Gang ay “reunion” kaya importante na nasa taping din si Michael.

Mabuti na lang at free pa si Assunta sa Monday, kaya magkikita at magkakaeksena sila sa taping.

Sabi ni Assunta, excited siya sa taping on Monday dahil matagal din siyang naging mainstay sa Bubble Gang.

Actually, hindi na nga nagte-taping ngayon si Assunta, pero hindi niya puwedeng tanggihan ang Bubble Gang na sobrang mahal din niya!

Tatlong pelikulang magsasalpukan bago ang December

Wala ang comedian na si Maverick sa presscon ng Kings of Reality Shows kahapon.

Tanging si Ariel Villasanta lang ang naroon.

Sabi ni Ariel, hindi na rin sila nagkakausap ni Maverick.

Na-depress daw yata si Maverick dahil hindi natuloy ang dapat ay magiging show nila noon sa GMA 7.

Anyway, finally ay maisu-showing na nga on November 27 ang Kings of Reality Shows at ang Solar ang magri-release nun.

Makakatapat ng Kings of Reality Shows ang The Heiress nina Maricel Soriano at Janella Salvador sa November 27.

May isa pang big movie na ipapalabas sa playdate na ‘yon, pero hindi pa sila nag-a-announce.

Magandang playdate ang huling Wednesday ng November.

‘Yun na!

JED MADELA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with