Anak ni Alvin Patrimonio inalok ng kasal ang GF na model
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

Nag-propose ang panganay na anak ni Alvin Patrimonio na si Angelo Patrimonio sa Fil-Australian model-girlfriend nito na si Jasmine Maierhofer.

Naganap ang pag-propose ni Angelo kay Jasmine sa isang fashion show.

Ayon sa ilang sources, noong mag-curtain call na ang fashion show na Tadhana at lumabas na ang models, nagulat na lang daw si Jasmine nang biglang mag-propose sa kanya ang boyfriend and she said “yes.” “So this just happened tonight. During the curtain call for the fashion show of Tadhana with @jasmaierhofer as the finale, she heard a familiar voice and she realized its @angelopatrimonio ‘s voice. What a beautiful and heartwarming wedding proposal! This one is for the books indeed! Congratulations, Angelo and Jas!” post pa ng netizen.

Bagama’t sikat na basketball player ang ama ni Angelo, sinubukan din nitong mag-showbiz at lumabas sa shows sa ABS-CBN. Si Jasmine naman ay taga-Puerto Galera at ang pamilya nito ang may-ari ng isa sa sikat na beach resort doon.

Albert naluha sa kasal ng anak

Kinasal na ang bunsong anak ni Albert Martinez na si Alissa Martinez noong nakaraang October 18 sa kanyang fiance na si Paulus Reyes. Kinasal ang dalawa sa Canada.

Pinost ni Albert sa kanyang Instagram account ang isang video kung saan nilalakad niya papunta sa altar si Alissa.

“Tears of joy. Seeing my Alissa looking so happy and radiant is a truly amazing experience, but it is tinged with a little sadness because it’s also the moment you realize she’s all grown up,” caption pa ni Albert.

Ang ina ni Alissa na si Liezl Sumilang-Martinez ay pumanaw noong March 15, 2015 dahil sa sakit na breast cancer.

Ang lolo at lola naman ni Alissa na sina Romero Vasquez at Amalia Fuentes ay pareho na ring sumakabilang-buhay. Pumanaw si Romero noong May 2, 2017 at si Amalia naman ay noong October 5, 2019.

Oscar best actress naaksidente 

Sinugod sa ospital ang Oscar winning actress na si Helen Hunt pagkatapos nitong ma-involve sa isang vehicular accident.

The 56-year old actress was sitting in the backseat of a black SUV whose driver was attempting to cross an intersection when it was T-boned by another car. Ang video ng crash ay nakuha ng programang TMZ.

Dahil sa malakas na collision ng dalawang kotse, it caused the SUV to flip to its side na siyang sinasakyan ni Hunt.

Sakay ng ambulance, dinala agad sa emergency room ng Cedars-Sinai Medical Center si Hunt. Nakaramdam daw ng ilang sakit sa katawan si Hunt pero nabigyan siya agad ng first aid habang patungo ang ambulance sa ospital.

Galing daw si Hunt sa filming ng reboot ng kanyang ‘90s TV show na Mad About You with Paul Reiser nang mangyari ang aksidente.

ALVIN PATRIMONIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with