Dating aktres na si Beth Tamayo ikakasal na
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - October 22, 2019 - 12:00am

Mala-teleserye ang naging takbo ng buhay ng dating aktres na si Beth Tamayo.

Nagkaroon na ng asawa noon si Beth, pero dahil nauwi ‘yon sa hiwalayan nang mag-abroad sila dahil sa ilang mga problemang kinasangkutan.

Noong nagpunta ako sa New York City (sometime in 2010), nagkita kami ni Beth, pero noong huli ko siyang nakatsikahan, sa San Francisco, California na siya based.

Madalas siyang sumasali sa mga marathon at kahapon nga, mukhang masaya na talaga uli ang best friend ni Judy Ann Santos dahil nag-post siya sa kanyang Facebook account ng, “Exactly one week when @akhutchi asked me to marry him after the @chimarathon #marathonproposal #chicago #engaged #ringconcierge.”

Kasama sa mga picture na pinost niya ang kanyang fiancé pati ang engagement ring nila.

Marami sa mga kaibigan ni Beth ang natuwa.

Dalangin nga ng marami na forever na ang kasiyahan ngayon ni Beth!

Mga kuwento ni Atong pinag-iinteresan ng lahat

Maraming mga kaibigan ang businessman na si Atong Ang nakilala ko.

May isang ka-close siya na tinanong ko kung kumusta na si Atong, pero naaliw ako sa sagot niya na, “Ayokong makialam diyan, matanda na siya!”

In fairness, ayaw ng kaibigang ‘yon ni Atong na magkuwento ng anything, huh!

Pero siyempre, maraming interesado sa mga kuwento kay Atong dahil “nasasangkot” nga ang pangalan niya sa issue sa Barretto family.

Martin busy hanggang mag-New Year

Kaya pala umalis pa-Las Vegas, Nevada si Martin Nievera ay dahil birthday ng bunso niyang anak na si Santino on October 23 (bukas).

Bale from the US ay deretso na raw siya sa Tel Aviv kung saan may show siya, pero after ay uuwi pa ng Philippines sa November 6 para mag-ASAP Natin ‘To on November 10 dahil bukod sa live show ay may taping din sila dahil aalis naman sila ng November 12 papuntang Rome, Italy dahil sa ASAP doon on November 16 at balik-US siya dahil sa napakaraming shows doon.

Bale sa US na magki-Christmas si Martin, pero rito na sa atin sasalubungin ang 2020 dahil may New Year countdown siya sa Solaire.

Wow, ang busy ni Martin, huh!

‘Yun na!

BETH TAMAYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with